KAMI RITO SA probinsiya ay umaasa lang sa mga dyaryo para malaman ang mga job opening sa abroad. Kaya lang ay ‘di ako nakatitiyak na totoo ang lahat ng naka-dyaryo. Kailangan pa po bang magpunta ako sa POEA para iberipika ang mga ito? —Loida ng Conner, Apayao
KUNG MAY PAGKAKATAON ka ay okey lang na magtungo ka sa POEA o kaya’y konsultahin sa computer ang kanilang website.
Kung aasa ka lang sa dyaryo, narito naman ang mga kailangang ilagay ng nag-aanunsyo ng mga job opening sa land-based workers para matiyak na legal ang mga ito:
1) Pangalan, tirahan at lisensiya sa POEA ng nasabing ahensya;
2) Ang worksite ng prinsipal o proyekto;
3) Ang kategorya ng mga skill o kasa-nayan at mga standards; at
4) Bilang ng mga bakanteng posisyon.
Ang mga lisensyadong ahensiya ay maaaring mag-anunsyo ng mga bakanteng trabaho kahit walang pahintulot ng POEA basta may kalakip itong manpower request mula sa principal.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo