KUNG KAILAN naman sunud-sunod ang TV project ni Jobelle Salvador sa GMA-7, bigla itong lumipad patungong America, tsika sa amin ng manager niyang si Ricky Gallardo. Nanghihinayang nga ang butihing manager sa naging desisyon ng kanyang alaga.
May personal na dahilan ang actress kung bakit pansamantala muna niyang iiwanan ang showbiz. At saka, sa US ngayon nag-aaral ang anak niya kaya’t du’n muna siya mamamalagi. Hindi sanay ang anak nitong manirahan mag-isa, kailangan pa rin ang guidance ni Mommy Jobelle.
Nakausap namin si Jobelle na kinabukasan ay aalis na back to US. Sinabi ng actress na mag-aaral siya ng filmmaking sa America. Tutal naman daw wala siyang ginagawa roon so, might as well kumuha siya ng course about filmmaking para pareho silang nag-aaral mag-ina.
Gusto ni Jobelle sa pagbabalik-‘Pinas niya, may ipagmamalaki siya kahit ilang taon siyang nawala sa showbiz.
“Gusto kong gumawa ng documentary film at mag-direk ng indie film. Kailangan lang ‘yung good material. Pagbalik ko sa States, mag-enrol agad ako, ‘yun agad ang aasikasuhin ko. I’ll be back on December. Dito kami magpa-Pasko ng anak ko,” say ni Jobelle.
MEG IMPERIAL,bibigyang buhay ang character ni Brenda sa MMK sa Sabado. Isang dalaga na punung-puno ng pagdududa sa sarili mula ng pagtaksilan ng kanyang dating kasintahan. Sa tindi ng sakit na nararamdaman sa panglolokong ginawa ng ex-boyfriend niya, nasira ang tingin sa sarili at inisip na wala nang taong tunay na magmamahal sa kanya.
Kasama ni Meg sa kanyang MMK sina Melanie Marquez, William Martinez, Kitkat, Bryan Santos at Brenna Garcia sa direksyon ni Dado Lumibao.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield