NASA KAINITAN PA rin ang pormal na pagsampa ni John Lapus ng kasong libel kay Jobert Sucaldito kamakailan dahil sa isang article na nasulat nito laban sa TV host/comedian.
We had the chance na makausap ang kontrobesyal na si John sa victory party ng Who’s That Girl? ng Viva Films, na sinasabing naka-P8-M sa takilya nung first day nito last week nationwide.
Inamin ni John na nakaramdam siya ng relief nang maisampa na niya formally ang kaso dahil nasaktan siya sa mga naisulat ng kasamahang si Jobert. Gaano katagal niya itong pinag-isipan at anu-ano ang mga bagay na kinunsidera niya?
“Agad-agad, when I read the article na lumabas nung February 19 sa Bandera. Alam ko na kaagad, hindi naman ako tanga, alam kong kadema-demanda ‘yung article. I consulted my lawyer right away. The next day, Sunday, sinabi ko na sa Showbiz Central ‘yun, ‘di ba? Pero siyempre, ‘yung lawyer ko, nag-meeting pa kami. Kailangan ng mga ebidensiya, kailangang pag-usapan.
“Hindi pala agad-agad nagpa-file ng ganyan. Aantayin mo na may mag-mediate. May makipag-usap. Eh, wala, eh di tuloy na natin!
“Matagal siya, kasi, iniisa-isa nila ‘yun, bawat linya, bawat counts ng libel, may explanation. Ganoon pala ‘yun. Hindi pala ‘yung isang buong bagsakan, hindi pala gano’n ‘yun.”
May hinahabol daw siyang audio files sa DZMM, ang radio station ng ABS-CBN, kunsaan may radio show si Jobert?
“Oo. Nakipag-cooperate naman ang DZMM sa amin. So, nagpapasalamat ako personally sa mga taga-DZMM. Dalawang episodes ‘yun na hinihingi ng aking lawyer,” sagot ni John.
Ngayong naisampa na ang kaso, may palitan na ba ng statements ang kanyang kampo at ang kampo ni Jobert?
“Wala pa eh, but last I heard, naghahamon pa rin siya. So, tulad naman ng sinabi ko, tinanggap ko naman ang kanyang hamon. O, so at least, ‘di ba, mapagbigay akong tao? Usually, tumatanggap naman ako ng hamon. Sabi ko nga sa inyo, mapagpatol ako talaga kahit na anong isyu. Basta tanungin mo lang ako, sasagutin ko talaga.
“Kaya lang, nakakalungkot na minsan, may mga kapatid tayo sa pananampalataya na kapag may naririnig eh agad na sinusulat. Nala-libel tuloy!”
Kung sakali raw ba na mag-apologize si Jobert o bawiin nito ang kanyang mga sinabi at sinulat, ano’ng gagawin ni John?
“Ah, titingnan ko ‘yan. Hindi naman sumagi sa utak ko kasi eh. Kasi, nakikita ko at napapakinggan ko at nababasa ko ang kanyang mga salita eh, parang matapang naman talaga. Na talagang well-applauded ang katapangan ni Mr. Sucaldito.”
Ayon sa balita, may counter demanda si Jobert laban kay Sweet.
“Natatawa nga ang lawyer ko, ano’ng idedemanda niya sa akin? Eh, ako ‘yung sinulat. Ako ‘yung aggrieved party?”
Ang kaso raw na isasampa ni Jobert kay Sweet ay ang Republic Act 9262, ang Violation Against Women and Children. Ito ay dahil umano sa “pagkakabanggit” pa ng anak ni Jobert nang magsalita si John sa Showbiz Central.
“Well, alam naman nating lahat, I’m sure napanood ninyo ‘yung episode, kalat naman sa Facebook, wala namang masama sa aking sinabi. Actually, sinabi ko ‘yun out of concern. I’m sure, alam niya rin ‘yun.”
Nadamay rin sa isyu si Marian Rivera, isa sa mga kaibigan ni John, na ipinagpapasalamat nito sa suportang ipinapakita sa kanya.
“Ayoko nang banggitin pa ang mga pangalan ng friends ko na sumusuporta sa akin, inookray rin niya. Naa-appreciate ko ‘yung support, pero kaya ko ‘to! Ang laki kong bakla! Kaya ko ‘to!”
Ano’ng reaksiyon niya sa sinabi raw ni Jobert na ilalabas daw niya lahat ang “baho” niya?
“For the last four years, eh nailabas na yata! Ang tanong do’n, eh parang hindi naman totoo ang mga nilalabas niya. I’m sure, naririnig n’yo ‘yan every year,” pagtatapos ni John.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro