BLIND ITEM: Mismong ang ama ng isang commercial model-turned-actress ang nagkuwento na minsan daw niyang nahuli ang kanyang anak in an uncompromising situation involving her boyfriend sa receiving room ng kanilang tahanan.
Hindi raw kasi sukat-akalain ng ama na may pagka-“beki” ang kanyang mahinhing daughter, as in caught in the act of performing fellatio (read: oral sex o kops sa lengguwahe ng mga bading) on her dyowa.
But of all people, bakit sa halip na isikreto ng ama ang tagpong kanyang nasaksihan ay siya pa ang nagkakalat ng eksenang ‘yon? So, totoo palang may gap sa pagitan nilang mag-ama?
Da who ang aktres na ito na “kumakanta” rin pala gamit ang “wireless microphone”? Kunwari, nasa silid-aralan tayo at ako ang titser, “Mga bata, tayo nang magbilang.”
THROUGH A common reporter-friend ay ipinarating namin sa kaibigan ding si Jobert Sucaldito ang aming sama ng loob sa kanyang collective assault on the writers’ group na aming kinabibi-langan, ang EnPress o Entertainment Press Society, Inc.
Partikular kasing inalmahan ni Jobert ang ‘di pagkakasali ni ER Ejercito sa Best Actor nominees’ list for the forthcoming Golden Screen Awards for Movies para sa pelikulang Asiong Salonga. After some missed calls na sinadya naming huwag sagutin, finally, nagkaliwanagan kami ni Jobert (although he had earlier sent us text messages of apologies).
Alam namin kung saan nanggagaling ang hinampo ni Jobert sa EnPress, nani-nindigan kasi siya sa paniniwalang mahusay naman ang performance ni ER sa nasabing pelikula ay kung bakit ipinagkait man lang dito ang mapabi-lang sa talaan ng mga nominado?
Jobert had expressed his emotional outburst through Facebook hanggang sa kanyang kolum at radio program. Sa maraming taong pinagsamahan namin ni Jobert, we would like to think na kabisado na namin ang takbo ng kanyang pag-iisip all the way down to his internal organs. In a fit of rage, Jobert’s rational mind fails to function, pero ‘pag nahimasmasan ay siya na rin mismo ang magkakanulo sa kanyang sarili for all his kagagahan.
Para sa amin ni Jobert, friendship — genuine at that — transcends well-paying PR jobs offered by rich clientele. Ayon na rin kay Jobert, this also goes for the other members of EnPress closest to his heart na aminadong idinamay niya sa kanyang pagkaburat when ER was snubbed in the nominees’ list.
But again, we firmly stand our ground. Bawat award-giving body ay may kani-kaniyang pamantayan sa pagpili ng taong karapat-dapat sa anumang kategorya. If beauty is in the eye of the beholder, in equal proportions, a good performance depends on the one who watches it.
HUWAG PALAMPASIN ngayong Biyernes sa Face To Face ang kuwentong Crazy In Love Si Unica Hija, Naglaslas Nang Malamang Boyfriend Niya’y Pinatos Ang Pinsan Niya! Nang iwan ni Bryant at ipinagpalit sa pinsang si Mary Rose, napilitang maglaslas ng kanyang pulso si Joan. Galit naman ang nanaig kay Aling Annaliza na ina ni Joan, hindi raw niya maaatim na biyuda na nga siya’y mawawalan pa ng anak nang dahil lang sa pag-ibig. Depensa naman ni Bryant, para raw kasing mongoloid at isip-bata si Joan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III