PSSST! POLITIKA, Showbiz, Sports, Scandal, Tsika ni Tita Swarding! Kaya umpisahan na natin ang tsika. Nag-aalimpuyo pa rin ang sama ng loob ng kapatid na Jobert Sucaldito, na may mga nag-react nga sa akin na ‘wag na akong makisawsaw sa isyung ito. Ang hangad ko lang naman ay matuto ang mga artista at performer sa kanilang bad attitude kung sila ay nakikilala na at nagkakapanggalan na, at parang sa sarili nila sikat na sikat na sila na wala nang magpapabagsak sa kanila at titinga-lain na lang lagi sila. Ang tanong, saan ba sila nag-umpisa?
Kaya ‘eto na ang karugtong ng ng alitan nina Jobert at Noli, asawa ni Lani Misalucha:
“mahaba na naman ito – pasensiya na kayo ha. pinapagod ko ang mga mata ninyo. anyway, nagkita kami ni lani misalucha sa eastwood walk of fame kahapon. nang mapadaan ako sa table nila para makipagbeso kina Pops Fernandez, Anthony Castelo, kuya Dick (Roderick Paulate), etc. she tried to smile but i told her na masama ang loob ko sa kaniya. she immediately stood up and wanted me to talk to her husband noli right away para raw magkalinawan kami re our differences.
“i told her na later na lang kasi nga recipient siya (Lani) ng star sa walk of fame – ayokong ma-distract siya but she seems to be in a fighting mood for her husband whose face i don’t even remember. “he got offended when you hanged up on him last night. di sanay ang asawa ko sa ganitong usapan – nasa corporate world iyan galing kaya ang tanong niya sa akin ay “is that the way they deal in the philippines?”
“Muntik na akong matulala dahil from someone like lani who grew up in san andres bukid and her husband saying na ganito tayo makipag-deal sa philippines, why? did he grow up in the states or london or wherever outside this country? tsaka, siya lang ba ang may karapatang ma-offend. ayoko lang masyadong makipag-argue kay lani dahil wala akong panalo sa mata ng mga tao kung makipag-away ako sa kanya dahil babae pa rin siya – magmumukha akong ungentleman if i did.
“simpleng misunderstanding lang daw iyon at bakit hindi ko raw binigyan ang asawa niya ng pagkakataon para magpaliwanag when i spoke to him on the phone? ikaw ba naman ay bungaran ng mga salita, “bakit ganoon, Jobert? bakit sinabi niyong back-to-back ang concert with Billy eh hindi naman dapat ganoon”. natural, nairita ako at tumalak ng “noli, kung ganyan kayo, i am canceling that show” and binabaan ko siya agad ng phone. he sounded rude kasi and mayabang.
“okay nandoon na tayo – sige, kasalanan na namin nang ilagay namin ang title na “back2back” para lamang may catch sa show – hindi naman major show iyon sa zirkoh sa December 17 supposedly – pang-primetime lang iyon – yung regular na ginagawa tuwing midnight na 1 hour lang tumatakbo. krimen na ba para sa amin ang pagbigyan ang hiling ng anak-anakan naming si prima diva Billy na super-idol siya at wala namang pangalang malaki ang bata? can’t she just give it to someone who idolized her from time immemorial?
“icon na siya para gawin pang big deal ang kiyemeng back to back na ito. sana tinext na lang nila ako ng “bakit back to back – puwede bang palitan na lang as guest” or what. Hindi yung meron pang mga eclat na kesyo may gig sila that night and hindi pa sila sure… what do they mean sa “may gig kami that night kaya hindi pa kami sure”? na hindi sila confirmed sa show, ‘di ba? doon ako nag-flare up – yung nakaka-stress na linyang hindi sila sure dahil may gig sila on December 17.
“now she is saying na inaamin naman niyang okay na kami with her singing two songs and duet of “Loving You” with prima diva Billy. iyon naman pala eh. kasi raw, baka pag sinabing back to back, baka mag-expect ang mga tao ng maraming kanta at pag di niya mapagbigyan sila ang masisira.
“okay, fine! sana sinabi nila diretsa sa text ang ganoon – na palitan ang title kung hindi sila komportable. hindi yung kung anek-anek pa. kayabangan na iyan! sign of insecurity or what? at para naman silang doon nagsilakihan sa amerika para sabihing di sila sanay sa ganitong deals. wow ha! kami pa ang sinabihan nila nito? wala kaming palpak na negotiations in our more than 7 years na pagpu-produce. as if naman, big star talaga siya sa vegas eh hindi naman. Yes, she works for the entertainment department of a hotel pero hindi siya tulad ng pinalalabas nilang big star sa Las Vegas kaya. empleyado siya sa hotel and manaka-nakang mag-show roon. and oh my gosh! people tell me that her shows abroad are super-flops, fyi lang.
kaya huwag silang mag-inarte rito. di ko sinasabing 100% tama ako, may mali rin ako somewhere by that title na “back2back” pero kailangan bang gawin malaking krimen iyon? hindi ba nila kayang iregalo itong title na ito sa isang tagahanga niya? how disappointing! and ang yayabang. ang tanging hihintayin ko na lang ay ang pagkalusaw ng ilong niya! grabe! hindi na siya si lani misalucha na nakilala namin – sobrang retoke na pala siya. kaloka! kaya pala medyo nangongo ang boses because siguro of that. kaya ang ending – cancelled na ang december 17 na show na ito sa zirkoh morato. susunugin ko na lang ang tickets and posters na pinagawa namin. ano kaya kung sunugin ko ang mga ito sa harap nila? matutuwa kaya sila?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding