Akala ko oks na sina Michael Pangilinan at ang babae na naanakan niya. Dahil isang responsableng ama si Michael, tinutustusan nya ang pangangailangan ng “baby boy “ niya. Mula sa gatas hanggang sa mga check-up ng bata sa mga doctor.
Akala ko, wala nang problema between Michael and this Erin na ang akala namin ay isyung makaaapekto kay Khiel. Nauwi naman kasi sa magandang usapan, until this recent hugot of Jobert Sucaldito (manager of Michael), nagbunyag na naman ng isang katotohanan na tila panggulo lang talaga itong si Erin at ang pamilya niya.
Sa katunayan, ipinagmamalaki sa amin ni Khiel ang magagandang plano niya sa kanyang anak pagdating ng panahon, reason why kayod siya nang kayod.
This morning, nagulat na lang ako sa hugot ng kaibigang Jobert sa kanyang Facebook account tungkol sa babaeng naanakan ni Khiel.
Panimula ni Jobert: “Just a piece of my mind for you Ms. Erin Ocampo. Siyempre, ang first question ninyo ay kung sino si Erin Ocampo na ito, ‘di ba? Siya ‘yung starlet na naanakan ng alaga kong si Michael Pangilinan. Medyo harsh lang ang pagkasabi ko na “naanakan” because this girl is getting into my nerves now. Sa totoo lang, ayoko sanang maglitanya about this “just a pretty face” na babaeng ito, but parang nakakabangungot talaga ang pag-uugali nito, kaya I have to say a little something for her before I go to sleep.
“Dati, buwisit ako nang malaman kong nabuntis siya ni Michael dahil siyempre, bilang manager, it’s not a good item para masuungan ng alaga ko who was not even stable pa sa kanyang singing career that time. Pero dahil inisip na lang namin that a child is always a blessing kaya tinikom namin ang mga bibig namin. Nagpaka-gentleman ang alaga kong si Michael – kahit sa murang edad pa lang niya, he was willing to take full responsibility as a father of the child. Kaya kinausap ko si Michael that time – I told him to save some money para ‘pag nanganak itong si Erin ay hindi siya makaabala ng ibang tao para ibayad sa hospital bills nito. Hindi ito panunumbat ha – I would just like to give you an idea of who Michael is as a father to the baby boy.
“Buntis pa lang si Erin and hindi na sila in good terms ni Michael pero ginastusan na nito ang regular check-up ng babae hanggang sa manganak ito via caesarian sa Delgado Medical Hospital sa Kamuning. Nung una ay nagyayabang pa ang pamilya ng girl na ito na hindi nila kailangan ang tulong ni Michael pero ang ending ay wala rin pala silang pambayad sa hospital kaya si Michael ang sumagot sa lahat ng gastos. Michael tried to be civil with them dahil pinag-iinitan ng buong angkan niya si Michael pero pinaglaban ni Michael ang pagiging ama sa kanyang anak.
“Ganyan ka-responsableng bata si Michael sa ilalim ng guidance namin ng family niya (Mommy Precy, Daddy Tony and Kuya Sam). Nang iluwal ang baby, Michael took his responsibility as a father – gatas, check-up ng bata, diapers, etc. After a few months ay pinabinyagan na si baby boy and doon na kami nagkaharap-harap ng pamilya nitong si Erin – her mom Emily and her stepdad, etc. Nagkaayos kaming lahat with a promise na once in a while ay ipahihiram nila ang baby kay Michael. Maganda, di ba?”
Pagpapatuloy pa na emote ni Jobert Sucaldito tungkol sa isyu: “Kumbaga, inayos namin ang gusot sa pagitan nila kahit hiwalay na sila. Just for the baby, kailangang bati sila para lumaking positive ang bagets.
“Kaniya-kaniya ng buhay sina Michael ang Erin – pag hindi busy sa work si Michael ay dinadalaw niya ang baby sa bahay nina Erin. Pag busy siya sa work ay sinisiguro niyang provided niya ang lahat ng pangangailang ng bata. In short, he is a good father to his son.
“Nitong mga huling araw ay nakikiusap si Michael kay Erin na hiramin ang baby dahil gusto nilang makapiling kasama ng parents niya. Sagutin ba naman siya na ayaw daw pumayag ang stepfather niya. Whaaaaat? Bakit ang stepfather niya ang magdi-decide na huwag ipahiram ang bata sa ama nito? Stupid, di ba? Sabi naman daw ng mommy ni Erin ay baka umiyak daw kasi ang baby at hanapin ang amoy ng “ama” (referring to Erin’s stepdad) dahil ito raw ang nag-aalaga sa baby pag wala sina Erin and mommy niya. Sinasabi nila ito sa mukha ni Michael kaya galit na galit si Michael. Nagtitimpi lang for now pero siyempre ilalaban niya ang karapatan niya sa anak niya. May amot bang dugo ang stepdad niya sa baby? Ginagago ba nila si Michael?
“This is the one thing na ikinagalit ko just tonight (last night lang) – di ba’t nag-guest si Michael sa Tonight With Boy Abunda to promote his movie Pare, Mahal Mo Raw Ako na magpi-premiere tonight sa SM Megamall. Natanong si Michael about his special friendship with singer-actress Garie Concepcion. Ganda tumakbo ang interbyuhan and I don’t know if this Erin watched the TV interview. Mantakin mo ba namang mag-tweet ito ng dalawang beses – puro pabalang. Ang first tweet niya ay “SUCH A USER. KELAN KA KAYA MAGBABAGO? HA!HA!HA!HA!” Ang next tweet niya ay “MY PAST IS NOT THAT EASY AND I DESERVE TO BE LOVED AND HAPPY NOW” paglalahad ng manager ni Michael sa kanyang FB.
“Ang scenario kasi ngayon ay kaniya-kaniya sila ng buhay ni Michael. May boyfriend na actually itong si Erin right now and Michael also dates his own girl and that’s Garie nga. Pinakikialaman ba siya ni Michael para maapektuhan siya? If she’s not happy with her boyfriend now, huwag siyang mandamay sa kaniyang misery, di ba? Pinipigilan ba ni Michael ang kaligayahan niya? Unang-una, wala na silang relasyon at malinaw iyon. Bakit siya nagalit kung may GF na halimbawa si Michael? And to bitch by saying SUCH A USER – teka lang. Dito ako sobrang nagalit kasi lumagpas na siya sa borderline. I am talking as Michael’s manager and parang surrogate mom dahil hindi ko ito inalagaan para bastusin at babuyin ng kahit sino sa industriyang ito.
“This is such a strong phrase para sabihin mo of Michael – SUCH A USER. Sino ang ginamit ni Michael aber? Tell us. Don’t give him that picture dahil kailanman, sa loob ng almost five years na pananatili ni Michael sa industriyang ito ay never siyang nanggamit ng tao. Not even you, if I may say. Papaano ka gagamitin ni Michael? People don’t even know you. Nag-iisip ka ba, girl? May isip ka ba in the first place? Forgive my ranting pero I just want to give this girl a piece nga of my mind. All these years ay nagtiyaga ang alaga ko to make a little name for himself as a singer – he worked damn hard to make a little money and find a small seat sa music industry. It wasn’t easy though pero sa awa ng Maykapal ay binibiyayaan siya ng konting suwerte.
“Niyakap ni Michael ang industriyang ito nang buong puso at wala siyang ginamit na kahit sino para lang sumikat or what. Tinatanaw naming malaking utang na loob sa bawat sinumang tumutulong sa amin to find jobs and all pero para sabihin mong Michael is a USER, medyo off na iyan. That’s grossly unfair at hindi ko na mapapalagpas iyan. Pinalaking mabuti si Michael ng mga magulang niya and within showbiz naman ay inaalalayan ko iyan sa tamang values kaya the nerve for you to say that Michael is SUCH A USER.
“Punyeta! Sobrang nagalit na ako this time. Hindi na tama ito, Erin. Hindi ko kayang tanggapin itong sinabi mo of my “son”. Mali na ito. Papatulan na kita rito,” pahayag ni Jobert a kanyang FB na galit na galit,
Pagpapatuloy pa niya: “ Gustuhin ko mang magpakadisente pero hindi mo “deserve” ang decency. Tatapatan na kita this time ng kabastusan. Nag-iisip ka ba sa mga pinagsasabi mo? How dare you say that of Michael. Tell us – tell me kung kailan naging USER si Michael…baka ikaw, girl? Nagtatrabaho lang ng disente ang alaga ko and he never used anyone para lamang marating niya ang maliit na kinalulugaran niya sa industriyang ito. Huwag mo siyang bastusin this way at hindi ka uubra sa akin. Hindi ko kayo uurungan, Erin. Lalabanan ko kayong lahat. Kasi pag mali si Michael, hindi nakakalagpas sa akin iyan. Ilang basong luha na ang bumagsak sa mga mata niyan noong panahong naging pasaway siya and he has learned his lessons already. He may not be perfect but he tries to be better everyday. Kaya wala kang karapatang magsabi ng SUCH A USER kay Michael.
“Gusto mo ba ng ganitong tema ng pag-uusap, I will give it to you. Mag-ayos ka babae at hindi kita palalagpasin sa anggulong ito. We don’t care if you sleep with all the men in the world – huwag mong bastusin ang alaga ko and magkakagulo tayo. Pangit lang pag si Michael ang magsalita dahil he may just look and sound ungentleman. Pasalamat ka at disente ang alaga ko. Pero huwag mong saktan ang damdamin niyan at makakatikim ka talaga sa akin ng hindi magagadang salita. Mabait ako kung sa mabait pero mas masahol pa ako sa asong ulol pag nagalit. Not Michael, Erin darling. Bakit hindi mo sabihin sa sarili mo iyan?”
To be fair, open ang column namin para sa pakingan ang side ni Erin. Just contact us. Salamat.
Reyted K
By RK VillaCorta