Jobert Sucaldito, pinatatahimik ng Dos? Hot Topic

 alt=

Jobert-SucalditoGAANO KATOTOO ang balita na pinatatahimik na ng ABS-CBN management si Jobert Sucaldito kaugnay ng ‘pagbubulgar’ ng kolumnista/ radio show host at PR man ng naganap umanong ‘dayaan’ at ‘bilihan ng boto’ sa katatapos na 30th PMPC Star Awards for Movies?

Ayon sa aming source, binigyan umano ng ‘gag order’ si Jobert para ‘wag nang magsalita pa sa isyu, kung saan kinukuwestiyon ni Jobert ang pagkapanalo ni Vice Ganda bilang Best Actor sa awards night para sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy. Sa kabila umano ito ng ‘pagla-lobby’ rin niya para manalo ang pini-PR na si Laguna Gov. ER Ejercito na bida sa Boy Golden.

Kinausap pa raw si Jobert ng ilang executives ng Dos at sinabihang ayusin ang gusot sa PMPC kung nais pa raw ni Jobert na magtrabaho sa Dos, ayon pa rin sa aming source. Si Jobert ay may radio show sa DZMM na pag-aari rin ng ABS-CBN.

Nag-ugat ang isyu sa kontrobersiyal na post ni Jobert sa kanyang Facebook account (Sucaldito Jobert) noong madaling-araw ng Marso 10, ilang oras matapos ang awards night.

Ayon sa kanyang post, “nakakaloka ang PMPC Star Awards for Movies na ginanap kagabi sa Solaire. niloko ako ng ilang members ng PMPC – pinaniwala ako that they will vote for my baby Jeorge Estregan for Best Actor for his sterling performance sa pelikulang Boy Golden.

“ganito kasi ang scenario – barely two weeks ago, some members talked to me at nagtanong kung hindi ko raw ba ila-lobby si Jeorge Estregan for Best Actor dahil ang kanilang napusuang rightful winner na si Joel Torre for the movie On The Job won’t get the votes dahil hindi nila kayang magbayad sa voting members, i thought of something.

“kung hindi rin lang mananalo si joel torre who is the rightful winner, might as well fight na lang for my anak-anakang jeorge estregan for Boy Golden dahil they said that he is next in line for Best Actor. but how?

“i have to call first members of PMPC para makasiguro ako sa pagkapanalo ng alaga ko dahil PR man ako. that’s part of the lobbying. normal lang iyon – kahit sa Oscar’s sa America ay uso ang lobbying, di ba? i have to siyempre weigh first kung may laban ako. since 38 lang naman ang voting members, i have to get at least a vote more than half of them – meaning, more than 19 in short.

“so i commissioned 22 of them bago ako sumugal. huwag na nating pangalanan but worse come to worst ay willing ako to name names. promise! wala akong pakialam dahil lokohan pala ito.

“nagulat na lang ako nang malaman ko that one voting PMPC member nilang si francis simeon lobbied for Vice Ganda pala for Best Actor. Nagbayad siya ng pera sa mga kasamahan niya sa PMPC para manalo si Vice Ganda who is abroad. mamatay na ang nagsisisnungaling. alam niyo naman ako, mayabang din at kalahati.

“nangutang ako sa isang friend ng pera para huwag lang madehado ang alaga ko kaya nagbayad ako ng mas higher. kaso, ang 3 members ng executive branch nila sa PMPC named Mel Navarro, Roldan Catro and Fernan de Guzman are for Vice Ganda dahil mas nauna sila naka-commit doon.

“at ang malungkot, ayaw nilang ipakita ang tunay na resulta ng botohan nila – itinatago nila. kasi nga, if I had 22 committed members, ilan na lang ang natitira sa kanila? 16? in short, i already have the numbers. kaya lang, since ayaw nilang ipakita ang tunay na resulta ng votes, nanalo si Vice Ganda dahil kontrolado nila ang results.

“i am an outsider of PMPC kaya i have all the right to lobby – since hindi naman pala mananalo ang righrful winner na si JOEL TORRE, might as well to fight for second best and that’s joerge estregan dahil sila naman ang nagsabi.

“pero ang nag-lobby kay Vice Ganda for Best Actor ay VOTING MEMBER ng PMPC na si FRANCIS SIMEON. hindi ba sila nahiya noon? Nasaan ang delicadeza nila? bawal iyon sa members to campaign for a nominee, di ba? either he must abstain from voting for his ward dahil pangit talagang tingnan. ako? okay lang iyon dahil outsider ako and every PR MAN has the right to campaign or lobby for a client for whatever reason.

“nakakaloka lang dahil papaano nangyaring natalo ako when many of them committed with me for Jeorge Estregan. i personally spoke to many of them and they said yes. yung ibang nakausap ko who said na hindi sila maka-commit sa akin dahil nauna na raw silang pinakiusapan ni FRANCIS SIMEON for Vice Ganda (may bayad din po ito like what I did na pinangutang ko pa ha!) were rommel placente, mildred bacud, sandy es mariano, timmy basil, roldan castro (co-chairman ng Star Awards), among others.

“okay lang naman ang lobbying pag hindi ka member and i don’t care kung magalit sila sa akin – nanggagago sila kasi eh. puwes, magkabukohan na tayo. VICE GANDA’s winning was PAID. at lalaban ako sa isyung ito.

“yung ibang nabigyan ko ay nag-hunyango sa akin and ok lang iyon. magkakaalaman din kami in due time. hindi alam ni jeorge estregan ito dahil ipinangutang ko siya – sobrang mahal ko lang ang batang iyan dahil napakabait at mahusay talagang aktor kaya lang nabiktima kami ng DAGDAG-BAWAS gang sa LOOB MISMO NG PMPC.

“i am willing to talk at any convenient time at paninindigan ko ito at any given time at your convenience. NGAYON, NASAAN NA ANG TUNAY NA KREDIBILIDAD NG PMPC?”

Samantala, madaling-araw ng Miyekrules, Marso 12, naglabas naman ng kanilang official statement ang pamunuan ng PMPC. Nanindigan ang grupo sa kanilang desisyon at mariing pinabulaan ang “malicious allegation circulated in social media questioning the veracity of our Best Actor winner.”

“The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) is saddened by the unfortunate turn of events at the recently-concluded 30th PMPC Star Awards for Movies.
“Immediately after the awards ceremonies, a malicious allegation circulated in social media questioning the veracity of our Best Actor winner.
“We strongly refute the said allegation. The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, uncontestable and sacred.
“For the past three decades of Star Awards for Movies, the PMPC has weathered the hardest obstacles and has remained undaunted.
“There will be forces that will try to destroy the credibility and reputation of the Club, but the PMPC will remain committed to its objectives, and no amount of intimidation and coercion can shake its foundation.
The PMPC, its Board of Directors and Members, will always stand firm on their decision.”

Kaagad din namang nag-post si Jobert sa kanyang FB account bilang reaksiyon sa official statement ng PMPC.

“i read the official statement of PMPC. ini-imagine ko lang sila habang kinu-compose nila ang said statement – for sure kahit sila mismo ay tumatayo ang mga balahibo pati sa kanilang kili-kili dahil they are composing a LIE.

“kailangan kasi nilang isalba ang mga kaluluwa nila dala ng kalokohan ng ilang mga sugapang miyembro. kawawa naman ang mga matitinong members nila dahil nadadamay sila sa dungis ng ilang hinayupak.

“pakitanong nga ang grupong ito kung sino ang ibinoto nila – dalawang taga-EXECOM nilang sina MELL NAVARRO at ROLDAN CASTRO and former president nilang si JULIE BONIFACIO… maliwanag na VICE GANDA, di ba?

“mamatay na ang nagsisinungaling. hasus, alam na namin ang buong story diyan kaya huwag na tayong magmaang-maangang pa. Isang malutong na halakhak lang ang katapat niyan – HA!HA!HA!HA!HA!HA!”

Kung totoo ang lahat ng naunang sinabi sa amin ng aming source, lumalabas na hindi pinakinggan ni Jobert ang ‘gag order’ sa kanya ng Dos. Lumalabas din na hindi pa rin naayos ni Jobert ang kanyang ‘gusot’ sa PMPC, dahil in ‘fighting mode’ pa rin siya sa kanyang pinakahuling post sa FB. At parang bale-wala rin ang ‘warning’ sa kanya ng mga boss ng ABS-CBN. Kung meron nga rin.

Bukas naman ang Pinoy Parazzi para sa panig ng lahat ng nasasangkot sa isyung ito.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleCarla Abellana, napasama dahil kay Heart Evangelista
Next articleVice Ganda, walang balak isauli ang best actor trophy Hot Topic

No posts to display