KUNG NOON ay med-yo itinatago pa nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla ang tungkoil sa kanilang relasyon, this time ay openly na nila ipinagmamalaki sa lahat.
Dati kasi, medyo alangan pa na ipahayag ng aktres sa publiko ang kanilang relasyon, the fact na may anak siya na si Thirdy (kay Pampy Lacson), natatakot siya na baka ma-misinterpret ng mga tao ang tungkol sa nararamdaman niya kay Jolo.
But this time na halos tanggap at kilalang-kilala na ng mga Revilla – from Jolo’s parents Sen. Bong at Lani Mercado, pati na ang Lolo Ramon niya si Jodi, tama lang na ipagmalaki na rin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Sa kabila ng pagiging busy ng dalawa, si Jolo sa kanyang political career at si Jodi naman ay sa kanyang hit TV show with Richard Yap aka Papa Chen/Sir Chief, nag-take time sila na magbakasyon sa Boracay last week.
It’s a cast outing ng mga kasama ni Jodi sa Be Careful With My Heart, kung saan almost 3 days sila sa Pradise Island.
Halos wala kasing pahinga ang aktres at naka-focus sa taping niya ang kanyang schedules, right timing na they took time out at magbakasyon kasama ang co-stars niya tulad nina Sylvia Sanchez at Divina Valencia.
Sa Boracay, dahil bakasyon na rin lang, isinama na rin ng aktres ang boyfriend para magkaroon naman sila ng chance na maging romantic sa isa’t isa lalo pa’t pareho silang mga busy sa kani-kanilang career.
Sa Boracay, open si Jodi na nakipag-picture taking sa mga fans niya with Jolo.
TODAY ANG showing ng pelikula ng kaibigang Ronald Rafer, ang Gabriel, Ito ang Aking Kuwento na pangungunahan ng indie actor na si Norris John.
Hindi na bago si Norris sa lara-ngan ng indie films, kung saan nagsimula siya sa bold indie films.
This time, it’s a more serious Norris ang mapapanood ng publiko, ayon sa director friend namin.
Hopefully, the movie makes a good box-office result para makaulit.
The film is produced by Norris’ mom who hails from lagawe, Ifugao kung saan most of the filming was done at the world famous Banaue Rice Terraces.
HINDI PA man nagsisimula ang kampanya para sa mid-year election come May 2013, pinag-uusapan na ang major election sa 2016 kung saan ang buong sambayang Pilipino at maghahalal ng kanilang bagong pinuno.
Ang Liberal Party ni Pnoy, si Sec. Mar Roxas ang manok sa malaking sabong na namang magaganap.
Sa showbiz naman, magbabangayan sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla para sa Presidential Elections come 2016.
Hindi man diretsahan nilang sinasabi na kakandidato sila (dahil naghihintay pa ng timing); ginu-groon na sila ng kanilang mga tagapangalaga.
Nang tanungin namin kamakailan si Sen. Jinggoy tungkol sa plano niya sa 2016 for Presidency, pahayag niya na may nag-uudyok sa kanya. Pero hindi pa raw siya decided (the usual delaying tactics ng mga pulitiko lalo na ng mga taga-showbiz na naging pulitiko).
Habang si Sen. Bong naman noong Disyembre, hindi man desidido, pero saan pa nga ba patutungo ang kanyang political career, kundi to go for the highest position in Philippine Government.
‘Pag nagkataon at sumabay sina Sen. Jinggoy at Sen. Bong sa pagkantidado come 2016 Presidential Election, malamang mauulit na naman ang “gap” between the two families.
Remember EDSA 2 kung saan imbis kumampi si Sen. Bong sa pamil-ya ni Sen. Jinggoy laban kay dating President Gloria Macapagal-Arroyo dahil pinapatalsik ni GMA si former President Erap Estrada, naging seryoso ang gap ng dalawa na nauwi sa hindi pag-iimikan nila for a long time.
In short, nagkasolian sila ng kandila dahil sa pangyayari.
Sa 2016 na pareho silang kakandidato sa inaasam na posisyon, malamang sa hindi mauulit muli ang pangyayari tulad ng EDSA 2 na ang pagkakaibigan nila ay malalagay muli sa alanganin. Na baka this time, seryosohan na ang paghihiwalay nila ng landas bilang magkaibigan dahil sa pulitika.
Reyted K
By RK VillaCorta