Jodi Sta. Maria: Awarded dramatic actress

SI JODI STA. Maria, miyembro ng Star Magic Circle Batch 7. Nang una ko siyang nakita sa mga telenovela, sa aking paningin, ‘baby face girl’ ito. Isang simpleng artista at tila maningning ang kanyang career sa mga teleserye. At may angkin itong ganda na siyang puhunan niya sa pag-arte kaya dahil dito, hindi siya nawawala sa telebisyon. Three years ago, nagkaroon ito ng award sa indie film na Sisa. Currently, nag-aaral siya sa De La Salle University ng Medical Biology. Muli, napanood siya with Sam Milby sa Cinema One Original na Third World Happy. Sa ngayon, nasa 100 Days to Heaven siya, kasama sina Xyriel Manabat at Coney Reyes.

At ito ang nakakatawa, na sayang, matatanong ko sana ang kanyang lovelife, pero napigilan tayo ng kanyang bantay. Nauwi tuloy sa ibang tanong. Hahaha!

Pagdating mo sa bahay, ano ang mga suot mo? “Ano’ng suot? Hohohoho! Pambahay po. House clothes lang po. ‘Yung mga comfy.” Pambahay… hahahaha! At nakaganyan ka rin sa bahay (short-shorts at T-shirt).

Ayon pa sa kanya, marami na siyang teleseryeng pinagdaanan at ‘di na mabilang. “Kasi, nag-umpisa po ako eh, 19 years old.”

Madali siyang patawanin gayong malalim naman siyang mag-isip para sa future niya at ng kanyang anak. Kung sakaling ipe-paint kita, kasi painter ako, anong hugis at kulay ka? “Red and black. Favorite colors ko po kasi ‘yun.”

Sa red, ano’ng pananaw mo sa red? Active or ano pa ba? Life, love, mapagmahal? ‘Di naman tsismis ‘yun ah. Haha! ‘Yung black, strong ba? “Puwede. Formal. Kasi feeling ko kung black, kahit ano puwedeng i-pares sa suot mo.”

Ang biro ko ay, kung dadaan ka, hindi ka mas-yadong mahahalata sa dilim. Lalo’t ‘pag may utang. Ah, nagsusuot din ako ng black ‘pag may utang, ‘pag may atraso. Hahaha!

Ano bale ang plano mo sa darating na next 10 years? “Ah, right now po kasi I went back to school. At siyempre, mabuhay nang maayos at matiwasay. ‘Yung trabaho ko, I’m hoping na hindi maging hinder sa pag-aaral ko ng college. Ang mahirap po kasi, napaka-demanding ng line of work namin.”

Bagaman ang grandma niya, pinag-aral sila sa Chinese school noong high school para matuto ng Chinese para sa kanyang future sa business. At ayon pa sa kanya, kung nagge-gain siya ng weight, diet agad kaya maintain niya ang kanyang physical body kaya nananatiling maganda. Gayunman, hindi rin siya mapili sa mga pagkain at type niya ay mga Filipino foods.

Tinanong ko ang tungkol sa anak niya, at ito ang sagot: “Si Thirdy sa ngayon, nasa Prep na ‘sya. Five years old na ‘sya ngayon at magsi-6 years na po siya ngayong taon. He’s a very active kid, loving.”

Well, good luck, Jodi, sa career bi-lang isang mahusay na artista. Sa tiyaga at husay, sana manatiling may ningning ito bilang alagad ng sining sa pag-arte.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02)3829838; cel. no. 09301457621; e-mail: [email protected], [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleThe Orig Starstruck Ladies
Next articleKnows ba ‘yan ni Ervic? Rich Asuncion, may kasamang iba!

No posts to display