Jodi Sta. Maria, ayaw pa ring patulan si Iwa Moto


SA ULAT ng TV Patrol noong Lunes, December 3, ina-min ng tiyahin ni Jolo Revilla na si Andrea Bautista-Ynares na ‘well-loved’ ng kanilang pamilya si Jodi Sta. Maria. Dagdag pa nito, mabait daw si Jodi kaya napamahal na sa kanila ang Kapamilya actress.

Samantala, sa panayam kay Jodi, medyo mahaba na kung magkuwento ito tungkol sa napapabalitang boyfriend na si Jolo. Aniya, “He’s mature for his age talaga, ‘yung mga aspirations niya, kumbaga wala na siya sa point na parang maglaro or gumimik, alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay, alam niya kung saan niya gustong pumunta.”

Tawa lang ang sagot ni Jodi sa tanong kung magaling bang magpakilig si Jolo.

Ayon pa kay Jodi, labis ang kanyang pasasalamat na nagkaroon siya ng pagkakataon na muling lumigaya pagdating sa pag-ibig. Aniya, “Happiness is really important, and we should always protect ourselves from anything that is crucial to our happines.”

Samantala, nitong nakaraang Sabado, maraming inihayag si Iwa Moto, kasalukuyang boyfriend ng ex-husband ni Jodi na si Pampi Lacson pero mananatili daw siyang walang sasabihin.

Lahad niya, “Up to this day, I will keep quiet and keep my silence.”

HINDI MAGKAMAYAW ang mga tao sa tili at kilig nang sumayaw na si Enrique Gil sa stage ng Filinvest Tent, Alabang sa Christmas party na in-organisa ng DGD Events para sa Adec Group of Companies last December 2.

Nagpa-sample kasi si Enrique ng kanyang mga signature moves kasama ang ilang empleyado. After his number, nakausap na namin ito at masayang ibinalita ni Enrique na extended ang Princess and I hanggang sa susunod na taon. “Extended po kami hanggang Januray or February next year. Siyempre sobrang happy, noong una kasi parang pang-kiddie siya, sobrang light, kasi ‘yung mga tao parang sana’y sila sa heavy drama, so mabuti naman at for a change, nagustuhan nila ‘yung light na show.”

Pinabulaanan naman nitong may special friedship sila ng leading lady niyang si Kathryn Bernardo. “Si Kat ay special friend naman siyempre. I mean, ah… we started  as a team, sabi namin kaya natin to guys, team tayo and siyempre medyo, okay naman.”

Hindi pa rin daw nila alam kung kanino mag-e-end up ang istorya at kung sa kanya ba o kay Daniel Padilla mapupunta si Kathryn sa serye.

Sa ngayon, sobrang busy raw si Enrique sa kaliwa’t kanang trabaho. Bukod kasi sa Princess and I, kasalukuyan nilang tinatapos ang ilang natitirang mahahalagang eksena sa The Strangers, ang entry ng Quantum Films sa darating na Metro Manila Film Festival. Kasama niya rito sina Enchong Dee at Julia Montes.

Kuwento pa niya, “Wala, naman, wala namang bago. I don’t know siguro, sobrang busy. ‘Yung The Strangers sa MMFF sa December 25, kasama si Enchong  at Julia. Para siyang suspense horror thriller. Kapatid ko rito si Julia, dito kasi family kami eh. Hindi kami puwede, to go on details kasi mabubuko ‘yung gist nu’ng story, basta ang masasabi ko lang, ibang  makikita nila sa mga characters namin as in kakaiba sa mga nakikita nang normal.”

Hindi naman niya ito unang pelikula pero masaya raw siya dahil at last ay may pelikula na siya for MMFF. “First ko, so first time ko magpo-float. So sasakay ako nang float and super excited na ako. First time ko, excited na ako, hindi ko alam ang mangyayari or whatever, I wanna see it.”

Ang director ng The Strangers ay si Lawrence Fajardo na director din ng award-winning indie film na Posas.

After daw ng parada ng mga bituin on December 23, lilipad naman papuntang Hong Kong sina Enrique kasama ang kanyang pamilya para doon i-celebrate ang Christmas.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleAte Gay, recycled ang karamihan ng ipinakita sa concert
Next articleNora Aunor, willing pa ring magtrabaho sa Dos

No posts to display