Jodi Sta. Maria is determined to be a doctor!

JODI STA. MARIA is determined to go to college this school year. Ayon sa abs-cbnNEWS.com, ibinahagi ni Jodi ang kanyang balak na makapagtapos ng kolehiyo. “This year mag-e-enroll na rin ako, magka-college na rin ako finally. Nakapili na ako ng school pero hindi ko muna sasabihin.” Ang pagpasok ni Jodi sa kolehiyo ay isa pang hakbang para makamit niya ang ibang mga pangarap sa buhay.

Jodi is taking up medical biology dahil mahilig daw siya sa science at sa human body. “Dati pa gusto ko nang maging doctor. Sobrang fascinated lang ako sa science at sa human body, iyon lang ang gusto ko talaga. Hindi ko makita ang sarili ko sa ibang kurso, kung hindi iyon lang,” she said. She is choosing between cardio-logy and oncology as her field of specialization.

Natutuwa naman siya dahil very supportive daw ang kanyang anak na si Thirdy sa kanyang pag-aaral. “Si Thirdy naman kasi, when I started high school inuunti-unti ko hanggang sa maka-graduate ako this year, nakikita naman niya na nag-aaral si mommy. So kapag time ng pag-aaral ko, behave siya at alam niya ang plans ko sa life. I tell him everything. At his age, very suppor-tive talaga siya,” kuwento niya.

Si Jodi, who recently gra-duated from high school, ay nagsisilbing isang magandang halimbawa sa kanyang anak dahil ipinapakita niya sa bata ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng isang tao.

Seryoso si Jodi sa kanyang gustong marating sa buhay kaya naman hindi siya natitinag kahit pa sobra siyang abala sa kabi-kabilang showbiz pro-jects. Napapanood siya ngayon gabi-gabi sa bagong ABS-CBN television series na 100 Days to Heaven kasama sina Coney Reyes, Xyriel Manabat, Joel Torre, Smokey Manaloto, at Va-lerie Concepcion. Magkakaroon din ng guest appearances sina Xian Lim, Melai Cantiveros at Vice Ganda sa show.

Gumaganap si Jodi sa series bilang si Sophia na tutulong sa karakter ni Xyriel para makumpleto nito ang kanyang misyon sa loob ng 100 araw. Unang nagkatrabaho sina Jodi at Xyriel sa Noah.

I’m happy for Jodi at sana ay makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Education knows no boundaries – wala itong pinipiling edad, kasarian, at antas sa buhay. Hindi rin sagabal ang kapansanan kung nais mo talagang makapag-aral. Ang edukasyon ay hindi kayang pantayan ng kahit na anumang kayamanan sa mundo. Sabi nga ng Swiss cognitive psychologist na si Jean Piaget, “The principal goal of education is to create men who are capable of doing new things, not simply of repeating what other generations have done.” It’s never too late to get a college diploma.

At alam ko na masarap ang pakiramdam kapag ikaw ay tumuntong sa entablado para tanggapin ang diploma na bunga ng iyong ilang taong pagtitiyaga sa pag-aaral.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articlePaolo Contis clarifies issues with Marian Rivera and his refusal to do ‘Amaya’
Next articleJustin Bieber, not worthy of adulation?!

No posts to display