MALAKAS TALAGA ang impluwensya nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa kanilang fans. Hindi basta-basta nabubuwag. Hindi sila basta-basta p’wedeng paghiwalayin. Ang fans nila, nagre-react sa Twitter kapag may hindi magandang nangyayari sa mga karakter ng pamilya ni Maya sa serye.
Kaya nga ang love team ng dalawa sa morning hit show na Be Careful With My Heart, maging ang mga production people, hindi alam kung saan patutungo ang show.
Sabi ni Sylvia Sanchez, sila rin sa cast, hindi nila alam kung hanggang kailan ang itatakbo ng palabas sa kabila ng mga usap-usapan na by October ay mag-e-ending na sila, kung saan ang role ni Divina Valencia, bilang lola ni Maya ay pinatay na sa teleserye na paniwala na nagsisimula nang mabuwag ang pamilya nina Mamang at Nanay Teresita.
Pinagdiskitahan ng fans ni Jodi ang pagkamatay ni Mamang Conchita sa serye. Kaliwa’t kanan ang hinaing nila sa Twitter at social media. Left and right ang tweets. Marami ang nagalit dahil ang isang karater na nagbibigay sa kanila ng saya at sa nakikitang pagmamahalan ng isang pamilya, imbes na maging inspirasyon ang karakter ni Mamang, nawala pa ito bilang suporta kay Jodi.
Pero ang explanation ng creative team ng palabas, ang pagkamatay ni Mamang ay para maging makatotohanan na dapat makaranas ng ibang pain si Jodi. Kadalasan kasi, petty love problems lang ang nae-encounter ni Maya sa teleserye. Konting tampuhan, konting selosan na problemang pangkiliti lang sa fans.
Para maging makatotohanan na hindi lang fairytale ang nabubuong emosyon ng aktres sa serye, napagdisisyunan ng creative staff na endingan ang karakter ni Mamang. Bukod sa katotohanan na magsisimula ang new show si Ms. Divina as one of the regular cast ng isang bagong show ng Kapamilya na magsisimula ngayong Lunes.
As of press time, sa kabila ng mga usap-usapan na malapit na ang pagtatapos ng serye, ang mga artista, nakalutang at wala silang idea kung saan o papaano mag-e-end ang hit series.
Maging si Ms. Charo Santos, bossing ng Kapamilya Network ay gustung-gusto ang natatangap na feedbacks mula sa advertisers na siyang bumubuhay sa show. In short, dahil sa may advertisers (na gustung-gusto ng producers), sa kanila nagmumula ang pambayad sa talent fees ng stars at staff at kita na pumapasok sa istasyon, maling diskarte yata na sisibakin ang isang palabas na nagpapasok ng pera sa kumpanya.
Para sa isang negosyante at usaping negosyo, why will you kill a goose that lay golden eggs?
Sa kabila ng naunang balita na magkakaroon ng movie version ang serye para isali sa darating na Metro Manila Film Festival, only last Friday ay napabalita na nag-back-out na rin ang Star Cinema sa plano nito.
ALIW ANG beking komedyante na si Joey Paras sa roles na ginagampanan niya sa mga pelikula ni Direk Wenn Deramas.
Naaliw kami sa kanya sa Bromance kung saan siya ang trainor ng bidang si Zanjoe Marudo para magkunwaring beki.
Sa trailer ng pelikulang Momzillas, showing this Wednesday (na comeback movie ni Maricel Soriano), laugh trip kami sa mga eksena niya bilang isang beking sidekick.
Happy si Joey dahil for the first time in his career, makakasama niya ang idol na si Marya. Kumbaga, sina Direk Wenn at Eugene Domingo ay aminado na Maricel fanatics sila at happy sa kaganapan, siya naman ang pumapangatlo sa pagiging “fanchita” ng Diamond Star.
Sa mga nagtatanong kung ano ang pinagmulan ni Joey, hindi siya galing sa sing-along bars or nagmula sa hanay ng stand-up comedians with the likes of Pooh at Vice Ganda na sumikat sa showbiz.
Isang stage actor at acting coach from PETA (tulad ng paliwanag niya noong una) si Joey, kung saan may nag-react na isang sikat na stand-up comedian sa statement niya na tila hinihiwalay nito ang sarili sa mga naunang “showbiz bekis”.
Sa pagkakaalam ko, may launching movie na si Joey na spoof sa karakter ni “Bakekang” sa direksyon ni Direk Wenn.
With Joey’s statement, I’m sure may isasagot si Vice na matabil din ang dila.
Can we hear Vice’s reaction on this?
Reyted K
By RK VillaCorta