MARAMI ANG NAINTRIGA na hindi nabanggit ni Jodi Sta. Maria ang asawang si Panfilo Lacson, Jr. (anak ni Senator Ping Lacson) sa kanyang acceptance speech nang manalo siya kamakailan bilang best supporting actress para sa Cinema One Originals entry na Third World Happy. Ang na-mention lang niyang gustong paghandugan ng nabanggit na acting trophy na napanalunan ay ang anak niyang si Thirdy at mga kapwa niya nominees.
Katuwiran ni Jodi, na-blangko raw kasi siya. Pero hindi maiwasang maging dahilan ito para isipin ng iba na baka nga totoo ang tsismis na may problema sa kanyang marital life ngayon ang aktres.
Bago ang awards night para sa Cinema One Originals, natanong na rin namin si Jodi tungkol sa isyung ito sa premiere ng pelikula niyang Chassis sa UP Theater.
“Okey naman po,” aniya.
When we asked kung wala talagang nagiging problema sa pagsasama nila ng asawa niya, she answered, “Hindi naman po natin maiiwasan iyon, ‘di ba? Pero as long as open ang communication and all, naaayos naman. So, walang problema.”
Ipinagmalaki pa nga sa akin ni Jodi na very supportive daw ang kanyang asawa ngayong aktibo na naman siya sa kanyang acting career.
“Ah… alam niya kasi na ito talaga ang gusto kong gawin. Kahit na ano man ang pasukin kong negosyo o trabaho, dito pa rin sa pag-aartista ako babalik. ‘Andito ‘yong focus ko.
“Ang family ko naman, very supportive sa kahit anong ginagawa ko. Kaya nga hanggang ngayon, very active pa rin ako sa showbiz.”
Kung sabagay, sayang nga ang talento sa pag-arte ni Jodi kung tatalikuran niyang tuluyan ang showbiz. Lalo pa ngayong ganap na siyang nahulma bilang isang de-kalibreng aktres. Ang pelikula nga niyang Chassis na idinirihe ni Adolf Alix Jr., matapos magkaroon ng world premiere sa Pusan International Film Festival sa Korea, ngayon naman ay for competition sa Mar Del Plata International Film Festival sa Argentina, kung saan nominated siya for best actress. Sayang nga lang at hindi siya nakasama sa delegasyon ng pelikula na kaaalis lang patungo roon.
“Unang-una kasi, may mga commitments tayo sa Manila na hindi ko maiiwan. Eh… sa biyahe pa lang papuntang Argetina, 23 hours na. Pabalik, 37 hours naman. Eh, three days lang ang ibinigay sa akin na off from work. So… nakakaloka naman, ‘di ba?” natawang sabi pa ni Jodi.
Siyempre, pati ‘yon ay may kabuntot na intriga. May mga nag-iisip na baka hindi lang siya pinayagan ng asawa niya. Hindi talaga mabura ang sapantahang may problema sila ngayon sa pagsasama nila.
“Wala. Wala pong problema. Basta ayoko pong pag-usapan ang personal life ko. Thank you!”
‘Yon lang at tumalikod na sa amin si Jodi.
Ganyan?
NAGTATAKA RAW SI Carla Abellana kung bakit may isyung hindi raw boto ang daddy niyang si Rey Abellana kay Geoff Eigenman na maging boyfriend niya. Kaya nga kaagad niya itong nilinaw last time sa interview namin sa kanya right after she won New Movie Actress of The Year sa katatapos na PMPC Star Awards For Television.
“Hindi. Hindi naman sa hindi siya boto. Hindi lang siya boto na magkaroon ako ng boyfriend. Period.
“Gano’n lang ‘yon. But like any other father, protective lang ‘yon over his daughter. Lalo na ngayong artista ako, I’m in showbusiness. Alam niya kung paano… magulo ang showbusiness, eh.
“Siyempre like any other father, ang gusto niya is the best for his daughter. And siyempre in terms of my career, aalagaan ko namang mabuti iyon.
“But ‘yong against siya kay Geoff…. no naman. Of course not. Never naman siyang tumutol sa akin sa mga decisions ko. Very supportive siya. And ang importante, masaya ako.
“Wala naman akong naging boyfriend na hindi boto ang family ko, eh. All of my boyfriends in the past, naging mabait naman sila sa akin at saka sa family ko. So… boto naman sila.
Mahigit isang buwan na raw silang mag-on ni Geoff. Feeling niya, nakilatis na raw niya itong mabuti kaya sinagot na niya.
“Eh kasi… mataga-tagal na rin siyang nanliligaw. Seryoso siya sa akin. Very sincere siya. At saka ‘yon nga, totoo siyang tao. Hindi siya ‘yong person na very showbiz ang dating.
“Na talagang off-camera, hindi siya nahihiya o natatakot na ipakita kung ano siya. Kahit pa ‘yong mga pangit na side niya. Kasi wala naman ding taong perpekto, ‘di ba?
“So… iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Na ‘eto ako, kung sino ako i-accept mo ako. Kung hindi eh, ‘di hindi. Okey lang.”
Hindi pa ba nagmi-meet si Geoff at ang Daddy niya?
“Nag-meet na sila ng Daddy ko. And okey naman. Supportive naman nga ang family ko. Even no’ng sa loveteam pa lang namin noon, supportive na pareho ‘yong parents namin.
“At ngayon na we’re officially together, alam naman nila na it was bound to happen. And… basta alam ko sa Daddy ko, kung masaya ako, okey na rin siya.”
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan