WHOAH! SI Joe ay isang artist painter na taga-Tanay, Rizal. Isang Bikolano at matuwain na tao, bagay na nagpadagdag sa kanya ng ‘plus point’. Bilang alagad ng sining, hindi siya haggard tingnan. Isa na siguro ang dahil sa tumangap siya ng ‘plaque of award’ bilang isang top-grosser, meaning maraming nabentang painting sa Heart Center.
“Si Cong. Edcel Lagman, malaki ang suporta niya sa amin. Hindi ninyo po naitatanong, taga-Naga po ako,” sa pagbibida pa niya.
“Ay parehas po pala tayo. Ah, noong una akala ko hindi ako makakabenta rito. Pero bandang huli ay sold-out.”
Bakit? Tanong ko.
“Eh, kasi noong una ay isa lang ang painting na dala ko. Eh, nabili, eh, ‘di sold-out ‘yung isa, hahaha!”
Ah, hahahah! Palabiro itong taong ito.
Ang maganda, iyong painter ka na ngayon humble ka pa. Merong iba, ‘pag sikat na, kahit kilala ka eh, hindi ka na kilala. Eh, ano ba ang panananaw mo dahil artist ka, dapat bang lumaki ang ulo o lumiit?
“Magandang tanong po iyan, Maestro. Ako kasi, kung ano ‘yung nakilala mo ako, ganu’n pa rin ako.”
“Iyong tanong ninyo kung ganoon pa rin ako. Ganito iyon, iyong kaibigan ko dati, kaibigan ko pa rin ngayon. Sa kaibigan, dapat dinadagdagan, hindi binabawasan.”
“Sa tanong ninyo kung paano ko inaalagaan ang sarili ko, unang-una ay mahalin mo ang trabaho mo, pangalawa, kung may kita ka, huwag mo namang ubusin lahat.”
Ah, hati-hati dapat ang budget, dagdag ko, dapat meron kay misis, meron sa ibang bagay.
“Opo, tama.”
At saka alagaan mo ang sarili mo kasi hindi naman lahat ng panahon ay may kita ka. Dapat habang may pera ka, maghanda ka na ng mga kailangan mo katulad ng pintura o mga canvas.
“Ah, ‘yan po talaga ang pinaka-sikreto ko, saka maging professional ka talaga lalo na pagdating sa oras. Kung male-late ka, mag-text ka na. Kung may araw pa eh, magsabi ka na.”
Um.. ah, tama. Iyong parang ‘di bale na siyang ma-late, huwag lang ikaw ang ma-late. Tugon ko.
“Ang natutunan ko ay iyong value ng oras doon sa isang kaibigan ko, bale kolektor ko siya. Meron akong natutunan, unang-una ‘wag kang sisira sa mga usapan, pangalawa, ‘wag kang magbibigay ng hindi bukal sa loob mo at maganda.”
“Meron akong napayo sa aking kaibigan, ang sabi ko ‘pag nagbigay ka ng maliit, ia-appreciate ka rin niya ng maliit; kapag nagbigay ka ng malaki, ia-appreciate ka rin niya ng malaki.”
Meaning, parang kung panget din ang gawa mo, panget din ang dating, dagdag ko pa.
“Kung mapapansin ninyo, one of the biggest painting dito ay sa akin. Nasa second floor siya. Ginawa ko siya nang five months. Hindi ko siya pinaghinayangang ibigay. Kung mas malaki ang ibibigay ko, mas malaki ang magagawa nito sa akin pagdating ng araw.”
Ah, parang ibig sabihin, pagdating ng araw ay sasabihin, ‘Ito si Joe noong nabubuhay pa, ibinigay niya sa atin itong painting na ito’, hahahaha! Biro lang.
Tama, tama, bilib ako diyan. Ano pala ang maipapayo mo sa kapwa mo painters?
“Ang maganda eh, ‘wag silang magbubuhat ng sarili nilang bangko. Hayaan nilang iba ang magbuhat para sa kanila, hahaha!”
Ah, kase kapag binuhat mo eh, mabibigatan ka? Pero maiba tayo, paano mo ba niligawan ‘yung misis mo?
Ah, natagpuan ka na lang niya?
“Oo, natagpuan na lang niya ako, heheheheh! Ah, parang ‘di pa ako nanliligaw eh, kami na, eh. Hehe..”
Pero sana Joe, panatilihin mo ‘yan at ‘di ka magbago.
“Ah, salamat Maestro sa advise mo.”
Ayon sa kanya, inspire siya ng ating national artist na si Juan Luna. Paalaala, ang lahat pong inyong nabasa at naunawaan ay dahil ang nag-usap ay mga painters,hehehe!
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected] cp. O9301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia