BAKIT ang isang bikini competition (bikini-open ang tawag ng iba) ay binigyan ng magandang image ng dating artista ng That’s Entertainment na si Joed Serrano, gayong impresyon ng nakararami ay prostitution ang nasa likod ng mga pa-contest na tulad nito? Kung bakit naman kasi ang mga pa-putsi-putsi na pa-contest ay ginaganap sa mga gay bars na may mga titulong “The Tarugo” Bikini-Open to “Pa-Hipo” Bikini-Open sa mga pa-putsi-putsi venues.
May depensa si Joed sa kanyang BNaked (The Ultimate Underwear, Lingerie, T-Back Showdown) na magaganap sa Okada Hotel sa September 23.
Paliwanag ng show producer tungkol sa patimpalak niya: “Wala akong karapatan husgahan ang sino man sa mga sumali. May theme na gusto kong iparating that u can be fit sexy and healthy; free from sickness if you’ll BNaked in facing the truth. You need disciple sa body at lifestyle mo to achieve that goal.
“One reason why I want to produce the show is to uplift the bikini contest into a prestigious pageant because hindi rin biro ang discipline na kailangan to achieve a healthy, fit & sexy body and also to let the people know na hindi medium ng prostitution ang bikini contest. Nasa tao yun so huwag i-judge yung mga models na sumasali.”
For those na hindi kilala si Joed, isa din siya show-concert producer ng mga foreign acts like ang Celine Dion at marami pang iba.
Here are some acts na dapat abangan ng mga Pinoy fans mula sa produksyon ni Joed:
Kool & The Gang on September 21, BNaked on September 23 and Gloria Gaynor on October 3.
Reyted K
By RK Villacorta