GAYA NI WILLIE Revillame na big time sa pagkakaroon ng isang mamahaling yate, tila hindi rin pahuhuli ang kilalang negosyante at personalidad na si Joel Cruz, na nagmamay-ari at nagpasikat ng Aficionado perfume, dahil may sarili rin itong yate.
Kasabay ng pagkakaroon din ng sariling yate na hindi raw bababa sa P15-M ang halaga, nakabili rin daw si Joel two years ago ng dalawang jetski na nagkakahalaga naman ng higit-kumulang P700,000 ang isa!
Nagdesisyong bumili ng jetski ang businessman, dahil nahiligan n’ya na raw mag-jetski 11 to 12 years ago pa sa Pearl Farm sa Davao kung saan s’ya unang natuto. Nais din kasi n’yang makapagmaneho ng iba’t ibang klaseng sasakyan.
“I was just renting (jetski). Mahal mag-rent. Around three to four thousand (pesos) per hour. Siguro, ‘yung hilig ko sa mga sasakyan. Gusto ko lahat mamaneho. Meron kaming motorsiklo na para sa collector namin, na-try ko rin. Truck nga, sabi ko sa ‘yo, minamaneho ko. Kasi may trucking (business) ang tatay ko. Gusto kong ma-try kung paano mo paaandarin ‘yon,” kuwento ni Joel.
Sinigurado rin sa amin ng dating Celebrity Duets season 3 grand champion kung gaano kasarap ma-experience mag-jetski at kung gaano rin ito kaligtas. “Sabi ko nga, habang umaandar ka na, nae-enjoy mo na ang ride. Sa kotse kasi, mabagal ka. Nasa sa ’yo na ‘yon kung malakas ang alon. Mapag-aaralan mo na ‘yon. Pag nahulog ka, naka-life vest ka naman. Ang jetski naman, hindi naman lumulubog. Hindi s’ya lalayo sa ‘yo kasi ang key na nakapasok sa keyhole, may tali na nakakabit sa ‘yo. Kaya ‘pag nahulog ka sa tubig, automatic na matatanggal ang susi sa jetski. Safe talaga,” dire-diretsong tsika ni Joel.
Ngunit hindi gaya ni Willie, hindi kinukunsidera ni Joel sa ngayon ang pagbili ng isang eroplano o kahit helicopter, dahil sobra na naman daw mahal ang mga ito, gano’n din daw ang pagmimintina. Ang higit na may ayaw raw na bumili s’ya ay ang kanyang ina.
Higit na kailangan daw asikasuhin ni Joel ang kanyang bagong biling lupain sa Mey-cauayan, Bulacan na may sukat na halos isang ektarya na gagawin n’yang pangalawang planta at warehouse ng kanyang kum-panya. “Sa planta, may kapalit na pera ‘yon, eh. Kaya negosyo muna ang iniisip ko sa ngayon,” pagtatapos ng tinaguriang Lord of Scents.
FEELING BAGETS KAMI nang ma-interview namin ang cute na cute na child actor na si Timothy Chan kamakailan.
Natawa kami nang sagutin kami ng batang aktor na may crush s’ya sa isang kapwa n’ya child star, kahit eight years old pa lang s’ya. Nu’ng una, ayaw n’yang pangalanan ang child actress na hinahangaan n’ya, na ni kahit isang clue ay ayaw magbigay ng bagets para makilala namin. Pero ‘di naglaon, inamin din ni Timothy na may paghanga s’ya kay Mika dela Cruz, younger sister ng aktres na si Angelika dela Cruz, na medyo mas matanda sa kanya.
Produkto ng ilang kiddie contest si Timothy hanggang sa na-cast ito sa hindi na mabilang na TV commercials at print ads.
Lalong nakilala ang child star ng mapanood ito sa Goin’ Bulilit, May Bukas Pa with Zaijian Jaranilla, at sa mga pelikulang Sakal, Sakali, Saklolo, Paano na Kaya, at Here Comes The Bride kung saan nominated ito bilang Best Child Performer sa nalalapit na 27th Star Awards for Movies sa darating na June 21 sa Newport Mall Theater sa Resorts World sa Pasay City.
Muling mapapanood sa TV, sa teleseryeng Maria La Del Barrio ng ABS-CBN na pagbibidahan nina Erich Gonzales at Enchong Dee, si Timothy bilang young Enchong na susundan ng isang bagong pelikula before the year ends.
Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon