Mayabang. paandar. May discrimination.
Ilan lang ‘yan sa mga patutusada kay Joel Cruz dahil sa isang photo na lumabas matapos binyagan ang anak niyang kambal recently.
Nakita kasi sa photo na naka-mask ang yaya ng dalawang bata samantalang si Joel, ang madir niya at mga anak ay walang mask. Ayun, natawag na discriminatory act ang ginawa ni Joel Cruz.
Kaliwa’t kanang bash ang inabot ng mayabang na businessman. Bakit daw hindi pinag-mask ang madir at mga anak niya at yaya lang ang pinagsuot ng mask. Napansin din na apat ang paring nag-officiate sa binyag, ganoon na daw ba kayabang si Joel?
“As a single father na super busy ang schedule sa trabaho, hindi ko kayang mag-alagang mag-isa sa aking mga anak. Ayaw kong maging pabaya sa kanilang lahat at sinusunod ko lang din po ang advise ng pediatrician na mag-mask kami, nurse, at mga nanny kapag close contact sa mga bata from birth until two years old,” esplika ni Joel.
“Ang kabutihan po ng paggamit ng mask ay maiwasan ang droplets o mga common organisms at ‘yung ang nagiging reverse isolation. Ito po ay protection hindi lang ng mga anak ko kundi pati rin ng mga yayas at kaming lahat na nagsusuot ng mask. Panahon din po ngayon ng pabago-bago ng klima kaya dapat lang mag-ingat tayong lahat. Walang discrimination po dito at sa talang buhay ko ay ni-isang tao ay hindi po ako marunong mag-discriminate. Pagmamahal, pag-unawa, pag-asikaso at respeto ang binibigay ko po sa lahat ng tao ganon rin sa aking mga empleyado at mga nanny. Salamat po!” dagdag pa niya.
Actually, sa isip ng netizens, may kayabangan talaga itong si Joel.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas