NAAALALA niyo ba ang kasagsagan ng mga sexy-drama films noong 80’s? Sa ganitong klaseng pelikula sumikat sina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Rio Locsin, Amy Austria, Alma Moreno at marami pang iba. From time to time ay nakakamiss din na mapanood ang mga ganitong klaseng pelikula na hindi lang basta pa-kilig – may halo ito ng sad reality ng buhay na unfortunately ay kailangan nating harapin.
Ang ‘The Annulment’ ang latest sexy-drama film ng Regal Films. Bida na sa wakas bilang leading man sa isang mainstream movie si Joem Bascon at ito naman ang comeback ni Lovi Poe na mahigit isang taon din natin hindi napanood sa big screen. Nasanay na kasi kami na every year ay may at least 2-3 films ang dalaga na mix of mainstream and indie.
Ito rin ang comeback ni Direk McArthur ‘Mac’ Alejandre sa big screen, na kilala for directing some of the romance films of the mid 2000’s ng ilan sa mga paborito nating Kapuso stars of that time.
Based on the trailer, talagang tinodo na nila ang pagpapakita ng ‘honeymoon phase’ ng isang relasyon hanggang sa maabot na nila ang punto na lumalabas na ang tunay na ugali ng isa’t isa. Should you stay or should you go away?
Kahit na mapapanood na sa uncut trailer ng pelikula ang mapangahas na love scenes nina Joem at Lovi, kita rin dito ang intensity ng sitwasyon ng kanilang karakter habang ongoing na ang annulment. Sigurado na magkakaroon ng mga debate tungkol sa pagpapatupad ng divorce dito sa Pilipinas. We’re hoping na dito ay makita din natin ang pagsubok na pinagdadaanan ng mga taong nagu-undergo sa proseso ng annulment – mula sa pagpirma hanggang sa court hearings at paghihintay. Nakakaloka!
Palabas na ang ‘The Annulment’ this coming November 13 in cinemas nationwide.