TUMANGGING I-ELABORATE NI Joey de Leon ang mga detalye surrounding the reported offer made to him by Kris Aquino to chair the Optical Media Board (OMB). Takang-taka pa nga ang TV host-comedian kung paanong lumutang ang tsismis na ‘yon, na ayaw na niyang patulan pa.
Hindi lang ang tsikang ‘yon ang ayaw patulan ni Tito Joey, even the thought of holding a government post under the incoming administration of President-apparent Noynoy Aquino hasn’t crossed his mind. With a passion for travel, hindi rin ba pinangarap ni Tito Joey ang ma-appoint bilang ambassador sa kung saan mang bansa?
“’Yung sa OMB, ‘di ba, karaniwang humahawak niyan, eh mga action star? Hindi naman ako action star. At saka marami ka lang makakaaway ro’n. Ang sarap-sarap ng buhay ko bilang artista, kaya hindi ko pinangarap na magkaroon ng puwesto sa gobyerno. Pag-aattend-attend ng meeting, naku, hindi ko pinangarap,” tahasang pag-amin sa amin ni Tito Joey.
Mas nae-excite pa nga raw ang TV host-comedian kung sino ang susunod na uupo bilang MTRCB chief. At present, ang isa sa mga nakapuwesto sa board ay ang pinsang-buo ni Noynoy na si Jackie Aquino (daughter of Butz, brother of the late Ninoy). Pero hindi naman daw posibleng humalili bilang hepe si Jackie bilang pag-iwas na rin ng uupong Pangulo na mabahiran ng “nepotismo” ang kanyang pamahalaan.
“Ang ideal na magiging MTRCB chief, eh, ‘yung taga-industriya para alam niya ang pulso,” mungkahi ni Tito Joey.
BLIND ITEM: ITINANGGI na ng isang showbiz mother na gusto niyang ipatanggal ang isang young actress na kairingan ng kanyang anak sa isang teleseryeng pagsasamahan ng mga ito. But no one believes her.
Paano raw naging imposible ang pagpa-powertrip ng nanay na ‘yon, gayong hinarang nga niya ang dapat sana’y katambal muli ng kanyang anak at isang aktor in the same TV series? As her daughter’s manager, nanaig ang kanyang gusto at kinatigan ‘yon ng management.
Pero tulad ng isang butas na medyas, nasulsihan na ang sigalot sa pagitan ng kanyang anak at ng aktres na biktima ng “pangunguyog” ng isang infamous group sa Twitter.
‘Ika nga, all’s well that ends well… but until when?
SA MGA NAGING adik sa koreanovelang My Wife Is A Superwoman ng TV5, now is your chance to catch it on its finale week until this Friday. Magiging kapalit naman nito sa Gusto Ko Noon noontime block ng Kapatid network beginning May 31 ay Don’t Cry, My Love, yet another Koreanovela na tiyak na hindi niyo rin palalampasin.
Simula na sa Monday next week ang mga primetime Koreanovelas from 6-7:30PM, tulad ng Hero, Easy Fortune at Happy Life with replay of My Wife Is A Superwoman.
Patunay lang po ito that TV5 just got bigger audience-friendlier with its lineup of programs for the Kapatid out there to enjoy and appreciate.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III