SANIB-PUWERSA ANG mga powers ng dalawang batikang TV hosts na sina Edu Manzano and Joey de Leon sa iisang game show ng TV5 – ang Game N’ Go.
Yap, ang kapwa veteran and award-winning TV hosts na sina Edu at Joey ay magkakasama sa Game N’ Go, na isa nang weekly show, every Sunday, at hindi na daily show tulad ng unang napabalita noon.
Pasok pa rin as co-hosts sina Arnell Ignacio and Gelli de Belen. Sina Arnell and Gelli kasi ang naging visible na nakausap ng press noong press launch ng new Kapatid shows sa NBC Tent a few weeks back, at wala si Doods at Joey.
Anyway, marami ang segments ng new weekly game show tuwing Linggo ng Kapatid network, as in inspired ang mga ito ng iba pang patok na game shows abroad, na kinompres lang ito segments.
Kung bakit naging weekly ang unang na-announce sa media na daily show ay wala pa kaming nakukuhang dahilan from TV5 management as we go to press, pero for sure ay valid naman ito after careful meetings and decision-making.
Wala pang ma-reveal ang network na time slot ang Game N’ Go, pero for sure daw ay every Sunday na ito, at nasa pre-production na ang buong team.
In time ay malalaman natin kung makikipag-salpukan ang new game show nina Edu and Joey sa Sunday variety shows ng dalawang higanteng networks – ang ASAP ng ABS-CBN at ang Party Pilipinas ng GMA.
Puwede rin namang bandang hapon, near the timeslots ng talks shows naman na The Buzz or Showbiz Central.
Ang exciting lang, kung ano ang chemistry ng dalawang beteranong hosts na sina Edu at Joey na ilang dekada na sa larangang ito, at hindi matatawaran ang kanilang mga husay.
TULOY NA ang showing sa October 2012 ng ginawang pelikula ni Dingdong Dantes last year na comeback movie (after some years of hiatus in doing films) ng direktor na si Erik Matti.
Ito ay ang Tiktik: The Aswang Chronicles na isang action-thriller-adventure naman ang genre, with Joey Marquez, Lovi Poe, and LJ Reyes.
Si Direk Erik ay ilang taon ding “namahinga” sa paggawa ng pelikula pero humataw ito noong 2000s, at nag-concentrate muna sa paggawa ng commercials.
Now, Direk Erik is back and full blast ang naging preparation nila until the shooting, dahil maraming chroma scenes, at high-tech ang mga ginamit na special effects, dahil updated ang kanilang production sa computer graphics.
Co-producers nito ang Reality Entertainment ni Dondon Monteverde (anak ni Mother Lily Monteverde) at ang Agostodos Pictures ni Dingdong, na ang unang film venture ay ang pag-co-produce ng MMFF blockbuster Segunda Mano.
From Tiktik: The Aswang Chronicles, next namang mapapanood si Dingdong sa One More Try na first film niyang makakasama sina Angel Locsin at Angelica Panganiban, under Star Cinema.
Director nito si Ruel Bayani na siya ring nag-direk ng No Other Woman last year. “Adult drama” ang konsepto ng kuwento ng Angel-Dingdong-Angelica, na may Zanjoe Marudo rin nga pala sa cast.
Ngayong June 1 ay naka-takdang umalis for USA si Dingdong for some commitments, kabilang na dito ang invitation sa kanya for Independence Day roon, at iba pa.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro