HINDI PA rin pala naiwasan ni Joey de Leon ang isyu ng mga bashers niya lalo na nu’ng may pinost siya sa kanyang Twitter account, tungkol ba ‘yun sa Nepal?
Matalas ang mga pahayag ni Joey nang tinanong ito ng mga reporters tungkol sa mga bashers niya.
Sabi nga niya, “Kapag namba-bash ka, ibig sabihin, wala kang mai-share na magandang ideya sa pinapasok mong item or whatever.”
Ayaw naman daw niyang sabihing nabiktima siya dahil feeling niya, “Hindi ko tinatawag na biktima. Inaaway ko, e. Wala, ‘wag mo lang pansinin. Intriga lang ang mga bashers-bashers na ‘yan. Basher nga… short for basura,” matapang na pahayag ni Joey. Bongga siya, ‘di ba?
Sabi lang niya, kung ano man daw ang ipinu-post niya, trip niya ‘yun at kung hindi raw ‘yun ma-get ng iba, huwag nang mam-bash dahil wala naman daw silang naiambag na maayos na ideya, ‘di ba? Kaya kahit anong bash pa sa kanya ng mga bashers, keber ba ni Joey. Hindi siya apektado.
In fairness kay Joey, talagang hindi siya umiwas na magpa-interview sa mga reporter kahit ‘yung tungkol sa mga pinu-post niya sa Twitter at Instagram ang pag-uusapan.
Nakatsikahan siya sa presscon ng Puregold na sobrang suportado siya pati ang buong dabarkads ng Eat Bulaga.
Magkakaroon nga raw ng Tindahan ni Aling Puring na Convention na gaganapin sa World Trade Center sa May 20 hanggang 24.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis