Joey de Leon, ‘di ininda ang muling pagtatapat nila ni Willie Revillame

BLIND ITEM: As we always say, if love comes from the most unexpected places—so goes a 70’s ditty—so does tsismis.

Ang paborito naming serbidora sa isang beerhouse sa Pasay City once worked at the popular 168 Mall in Divisoria, tindera siya ng mga imported blouses particularly from Bangkok. Aabot sa halagang P380 ang isang maganda nang blusa, pero may tawad pa hanggang P350 na sagad na.

Tamang-tamang isang sikat na veteran comedienne ang napadpad sa mall na ‘yon. Sa biglang tingin, namahalan agad ang hitad sa presyo. Wala raw bang tig-ootsenta o nobenta pesos na blouse, na gagamitin lang naman daw niya sa isang ki-nabibilangang teleserye?

Sey ng tindera, mula sa Bangkok ang kanilang paninda kaya imposibleng parang bilasang isdang makaka-jackpot ng tsipanggang blouse ang komedyana. Hirit ng hitad, bibili siya basta’t hanggang P150 lang ang halaga kada blusa, ‘yun lang daw ang kaya ng kanyang budget.

Still, walang item na swak sa bulsa ng komedyana ang puwede niyang pamilian. Para na lang matapos ang tawaran, itinuro ng tindera ang kalapit na puwesto, na nagbebenta ng mas cheap na blouse na can-afford na ng makunat-pa-sa-inuyat na veteran comedienne…

Na itago na lang natin sa pangalang Nora Villanueva.

KUNG TIMELINE ang pag-uusapan, mukhang mas napaaga than originally scheduled ang pagbabago sa time slot ng binago ring pamagat ng Wil Time Big Time to Wowowillie to its noontime block. Nitong January 26 nang umere ang pilot episode nito that ran for more than five hours na halos sakupin na ang buong bloke ng panghapong programming ng TV5.

We dare say na mukhang nausog sa mas maagang petsa ang relaunch nito dahil originally, its main host Willie Revillame had been meaning to guest Joey de Leon for his (Kuya Willie’s) birthday episode (kaarawan niya nitong January 27, he turned 52) sa orihinal nitong time slot.

However, because of some programming changes, imposible na ngang makapag-guest at any given time si Tito Joey as Wowowillie is now up against Eat Bulaga.

Nakausap namin mismo si Tito Joey who admitted to have received a surprise call from Kuya Willie about three or so weeks ago. The latter felt the need to personally inform JDL sa nabago nang time slot ng kanyang programa much to his panghihinayang that they would ever grace TV together.

Kuwento ni Tito Joey, “Ang sabi ko lang sa kanya, ‘Wala ‘yon, pare. Matatanda na tayo. Saka marami pang pagkakataon na puwede pa tayong magsama.”

Samantala, Kuya Willie’s episode last Saturday almost took all of eternity. Maraming programa sa GMA at ABS-CBN ang nasagasaan nito in terms of overlapping, add to that siyempre ay ang mga programa ng TV5 na naapektuhan din.

DALAWANG LINGGO ring sinabik ng epicseryeng Indio ang mga agad-agad na naadik sa panooring ito na siyempre pa’y pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla Jr. The pilot week saw Malaya (a.k.a. Simeon as far as the Spaniards are concerned) being played by a child actor (whose name slipped our mind).

The following week, as the plot thickened, ay si Alden Richards naman ang gumanap bilang binatang Malaya. But the element of suspense all the more heightens dahil nitong pagpasok ng Lunes, January 28, ay mismong ang aktor-mambabatas na ang nasilayan ng mga tumatangkilik ng ser-yeng ito.

No wonder, the last quarter noong isang taon ay ganoon na lang ang papuri at pagmamalaki ni Senator Bong sa kanyang aabangang palabas. Indio’s full trailer was even an added attraction sa mga sinehang pinagpapalabasan ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako.

Kilalang action star ang senador, but only on the boob tube was he given a major assignment of epic proportions. In his words, ang epicseryeng ito ay sumasalamin sa pagkatao at dignidad mayroon ang bawat Pilipino.

Indio may be a fictional slice of our past as a nation, pero paano nga ba natin mas mauunawaan ang kasalukuyan at ngingitian ang pag-asa sa hinaharap kung hindi natin susulyapan ang ating kasaysayan?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBukambibig 01/30/03
Next articleMatapos maospital
Nora Aunor, pinayuhang tigilan na ang yosi at alak

No posts to display