MATAPOS PUMALO sa 25.6 million tweets ang #ALDubEBForLove last Saturday ay sobra-sobrang nagpasalamat ang Eat… Bulaga host na si Joey de Leon.
Sa panayam ng Super Radyo dzBB (@dzbb) kay Joey, sinabing isang biyaya sa may kapal ang kalyeserye para sa buong production ng programa ng Eat… Bulaga!.
“Regalo mula sa maykapal ang kalyeserye at sa lahat ng nakapaloob d’yan. Siguro may nagawa rin kaming mabuti after 36 years dahil sa pagbibigay ng pansamantlang break sa kalungkutan ng tao. Siguro isang paraan din ‘yun, hindi lang material. So, parang pabuya namin ito… reward kumbaga na after so many years, kaya kami nagpapasalamat.
“Ganu’n din sa mga sumuporta at natuwa na nabigyan namin ng kahit papa’nong kaligayahan, salamat uli sa inyong lahat. Sabi ko nga, pati sa lahat ng involved at inloved sa show… salamat, salamat, salamat.”
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin daw maipaliwanag ni Joey ang nabuong kalyeserye na talaga namang halos ang sambayanan ay tinamaan na ng AlDub fever.
“Hanggang ngayon ay pinipilit kong ipaliwanag, pero pabayaan mo na siya as is na parang isang magandang bulaklak lang ‘yan… ‘wag mo nang anuhin at malukot pa at tutukan mo na lang at enjoy-in mo ang ganda niya.”
Nang dahil sa kalyeserye ay nalaman daw ng TVJ o nina Tito Sen, Bossing Vic at Joey ang mga iba pang nakatagong talento nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.
“Ang kalyeserye ay unti-unti na lang nabuo, siguro pinagyaman na lang namin. Noong dumating sa amin (ang kalyeserye) ay natuwa kami, so pinagyaman pa namin. Ibig sabihin ay inalagaan pa namin at talagang natutukan. Tapos nalaman pa namin na sina Jose, Wally, at Paolo at bukod sa dalawang bagito ‘yung AlDub… kumbaga baby namin sila ay may nakatagao pang galing ang mga ito. So nakakatuwa,” pagtatapos ni Joey.
Arjo Atayde, challenge ang role na pulis sa serye
CHALLENGE DAW para kay Arjo Atayde ang kanyang role bilang pulis sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin sa Kapamilya Network.
Kuwento nga ni Arjo, dumaan sila sa training katulad ng training ng tunay na pulis para mas maging makatotohanan ang kanilang pagganap. Kaya naman para na rin daw silang tunay na pulis after the training.
Bukod pa raw sa kailangan niyang paghusayan ang pag-arte, dahil alam naman daw nito kung gaano kahusay na actor si Coco at ang iba pang co-stars nito sa nasabing teleserye mula kina Albert Martinez, Susan Roces, Maja Salvador, atbp.
Birthday ni Pinky Fernando ng Fernando’s Bakeshop, pinakinang ng mga bituin
VER SUCCESSFUL at napakaengrande ng naging selebrasyon ng kaarawan ng well-loved, napakabait, at generous na may-ari ng Fernando’s Bakeshop na si Ms. Pinky Fernando na ginanap las Sept. 27 sa Luxent Hotel sa Timog, Quezon City.
Dumagsa ang showbiz at non-showbiz friends ni Tita Pinky sa kanyang kaarawan mula kina Martin Nievera, Vina Morales, Jed Madella, German Moreno, Bianca Umali, Upgrade, Kitkat, Kakai Bautista, Eric Nicolas, John Nite, Dulce, Chariz Solomon, Hopia, Nathaniel, Krystal Reyes, Ogie Diaz, Yogo Sigh, Gladys Reyes, Michael Pangilinan, Thess Bomb, PBB 737 Charlone Petro, DJ Jhaiho, DJ Kristindera, Thea, Enzo Pineda, Randy Santiago, Rowell Santiago, Ahron Villena, Mark Neumann, Kiray Celis, Diego Loyzaga, atbp.
Dumalo rin ang ilan sa mga kaibigan ni Tita Pinky mula sa entertainement press, photographers, at staff mula sa iba’t ibang TV shows mula sa GMA, ABS-CBN at TV5.
Isa lang daw ang birthday wish ni Tita Pinky at ito ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan sa kanya at sa kanyang pinakamamahal na pamilya.
John’s Point
by John Fontanilla