Joey de Leon, sinabing malabo pa raw makabalik si Wally Bayola sa EB

Wally-Bayola-Joey-de-LeonTALKS ARE floating around that Wally Bayola will be back hosting and doing his comedic stuff on Eat Bulaga this December.  Pero bahagyang nagulat ang co-host nito sa EB na si Joey de Leon when asked if rumors are true.

“Ow? Hindi ko alam,” matipid na tugon ni Tito Joey a la Janet Napoles when recently grilled at the Senate investigation kaugnay ng pork barrel scam. Pero siya na rin ang kumambyo, “Malabo siguro.”

Kung matatandaan, Wally voluntarily took a leave of absence from his daily grind makaraang pumutok ang sex video scandal nila ng isang EB Babe, who resigned four days before kumalat sa social media ang kanilang pagtatalik.

Bawi uli ni Tito Joey, “Makakalimutan din ng tao ‘yon,” referring to the scandal.

Pero kung totoong sa Disyembre na muling bubulaga si Wally sa nasabing noontime show, welcome news ito para sa mga tagasubaybay ng tandem nila ni Jose Manalo. Although Jose manages to pull off ‘yung Juan For All, All For Juan segment ng EB with Paolo Ballesteros ay iba pa rin ang partnership nila ni Wally.

And we, as a forgiving people, will always give an offender a second chance lalo’t panahon ng pagpapatawad at pang-unawa ang buwan ng Kapaskuhan.

PARANG WALA namang maisip na titulong ikakapit kay Pokwang, in an instant ay bigla siyang binansagang Global Comedienne. Just because her lead role in Star Cinema’s Call Center girl happens to be a BPO agent who converses with foreign clients, global na agad?

Pero depensa ni Enrico Santos, in fairness to Pokwang ay gumanap na rin naman siya ng isang OFW in also a Star Cinema offering na nauna munang ipinalabas sa Amerika before its local exhibition. Another thing, les the public forget, Pokwang was an OFW herself na isang Japayuki entertainer before she landed a job in showbiz.

Enrico adds na two years ago nang nabuo ang materyal na Call Center Girl which was originally a drama movie until it has now evolved into a hilarious comedy flick that also casts Jessy Mendiola and Enchong Dee. Special mention ang aming kumpareng si Ogie Diaz who plays Pokwang’s kasambahay.

Showing on November 27, bahagi pa rin ito ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema under the helm of Don Cuaresma.

MAY TEMANG competitive spirit ang hatid bukas ng episode ng  One Day, Isang Araw na pinamagatang Paul Maktol.

Sa kahit anong laro o paligsahan ay wala sa bokubularyo ni Paul (Mark Justine Alvarez) ang salitang “talo”. He always strives to get a medal for every game won para dumagdag sa koleksyon ng kanyang daddy (Jojit Lorenzo) at mommy (Miriam Quiambao).

Sa kanilang football championship game, manalo na kaya si Paul sa wakas?

Alamin ang buong kuwento sa One Day, Isang Araw kasama sina Jillian Ward, Milkah Wyne Nacion, Marc Justine at Joshua Karon Uy. Mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez, One  Day, Isang Araw airs at 6-7 p.m. after the weekend news on GMA.

HUWAG N’YONG palampasin ang 18th anniversary special ng Startalk bukas aptly titled Mula’t Mula Pa, Mulat Na Mulat Na! Watch out for the latest addition to the Startalk family, walang iba kundi si Heart Evangelista who shines in her segment Heart of the Matter, where she handles intelligent yet heartwarming interviews.

Kitakita!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBinalikan ng Childhood Sweetheart
Next articleBukambibg 11/15/13

No posts to display