KAHIT NA SINALPOK ng isang maliit na alon nang mag-ka- yaking mula sa beach 1 hanggang beach 2 sa palibot ng Misibis Resorts sa Cagraray, Bacacay, Albay, Bicol si Jason Abalos para makuha at manalo sa isang adventure race, hindi alintana ng aktor ang sakit na inabot ng legs niya at tuluy-tuloy pa rin ito para manalo ang kanilang team led by Marc Nelson.
Tumaob ang kayak ni Jason at ng kanyang kasama. At kahit na third placer ang team nina Jason sa nasabing fun games, masaya ang aktor dahil every once in a while ay nakakapag-participate siya sa ganitong mga happenings. Ang pasalamat na lang ni Jason, hindi sila sa bato isinalpok ng wave na sumalubong sa kanila!
SA NASABING event din namin nakita ang matagal-tagal nang nanahimik na aktor na si Jomari Yllana.
Nalulungkot pa rin ito sa sinapit ng matalik na kaibigang si Ronald Singson sa Hong Kong. Pero hindi raw siya nawawalan ng pag-asa na one of these days ay makakauwi na rin ito ng bansa.
May mga nagtangkang magtanong kay Jom kung ano ang totoo sa balitang may malaking tampo sa kanya ang ama ni Ronald na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson. Pero na-kiusap si Jom na huwag na itong pag-usapan. Dahil sa totoo lang daw, hindi niya rin alam ang isasagot dahil wala raw siyang alam na dahilan para maging totoo ang nasabing balita.
Unang pumutok ang balita sa pagkakahuli ni Ronald sa paliparan ng Hong Kong, ilang araw lang ay dinalaw na siya roon ni Jom. At nagtuloy pa ang palitan nila ng text messages, dahil bukod sa pagiging magkaibigan nila, partners din sila sa binuo nilang Fearless Productions.
Pero sabi ni Jom, sa ngayon, kung wala rin lang ang partner niyang si Ronald, mas magandang pagpahi-ngahin muna niya ang Fearless mula sa pagpo-produce ng mga shows featuring foreign acts.
Mas pinahahalagahan daw niya ang pagkakaibigan at pagiging close nila ni Ronald. Dahil ‘yun daw ang hindi matutumbasan ng pera.
Sabi rin ni Jom, may tinanggap na siyang soap sa Dos na tatampukan nila ng ex-wife niyang si Aiko Melendez. At sa September pa raw ipapalabas commercially ang pelikulang ginawa nila sa Bicol, tungkol sa Peñafrancia na idinirihe ni Marilou Diaz-Abaya.
ANG ISANG NA-MISS namin na laging nagiging life of the party sa mga ganoong happenings ay si ‘Tsong’ Joey Marquez. At dahil isa si Jom sa mga ka-close nito, kinumusta ko ito sa kanya.
May bago raw kinahuhumalingan ngayon si Tsong!
At nadiskubre ito ni Jom kelan lang dahil doon nga siya madalas pumunta sa house ni Tsong kapag naghahanap siya ng kausap.
Inaabala raw ni Tsong ngayon ang sarili sa pagko-compose ng mga kanta. Kaya every now and then, ang ka-bonding nila ay ang mga naging back-up band nila nu’ng sumali sila sa Celebrity Duets.
Hindi naman daw alam ni Jom na mahusay palang magsulat si Tsong. At kung makakatapos pa ito ng ilang mga kanta, malamang na mauwi ‘yon sa pagkakaroon ng album ng nasabing mga komposisyon niya. Pero hindi naman daw si Tsong ang kakanta.
Minsan nga raw, nagulat na lang ito nang may kumanta na at nag-areglo ng ginawa niyang mga piyesa. Halos maiyak daw silang dalawa.
Kung magtutuloy ito, siguradong may isang nilalang na nasa pusod na ng kalangitan ang matutuwa. Walang iba kundi ang ‘Tatay’ Douglas Quijano naming lahat!
The Pillar
by Pilar Mateo