KAHIT PALA ilang buwan nang tumatakbo ang Saturday afternoon showbiz talk show ni Joey Marquez sa ABS-CBN, ang Showbiz Inside Report, ay never pa sila nagkakasalubong ng landas sa Kapamilya compound ng ex niyang si Kris Aquino.
Once a week lang kasi kung mag-report sa studio si Joey para sa live show, at si Kris naman ay kundi twice o thrice a week, at taping naman ng Kris TV. Magkaibang studio rin ito.
Pero bago pa man ang show, may statement na si Kris na ayaw nitong pa-interview kay Joey, kahit na iisang network na lang sila ngayon.
Ano’ng say ni Joey na ‘di siya feel ni Kris na mag-interview sa kanya sa talk show nito?
“As a professional, I am obliged to follow what the producer wants me to do,” sabi ni Joey.
“Kung sasabihing interbyuhin mo si Obama, bakit hindi, kung papayag? It’s the producer’s call pa rin.”
Okey lang daw kay Joey at nauunawaan niya si Kris if ‘di nito feel pa-interview sa kanya.
“It’s okay, kasi nag-ganoon din ako, ‘I’m not ready to be interviewed.’”
Matatandaang nagkaroon ng relasyon noon sina Joey at Kris, ngunit naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila noong 2003.
Eh, kung sabihin sa kanya ng network na kai-langang interbyuhin niya si Kris?
“Kahit sino, okay ako. Huwag lang si Satanas at baka hindi ako pakawalan!” biro ni Joey.
Ayon kay Joey, hindi naman daw siya na-offend kung deadma man sa pagpapa-interview si Kris.
“Nothing offensive naman doon. We respect the right of the individual. If they don’t have the right, we give them the right.”
Samantala, diretsang inamin ni Joey na ayaw na niyang mag-asawa o magpakasal.
Nananatiling single si Joey magmula nang maghiwalay sila ng dating asawa na si Alma Moreno, at nagka-relasyon nga with Kris and Alicia Mayer.
“Magagalit sa akin ang Katoliko nito, pero ang wedding kasi is just a ceremony. Kaya nagwe-wedding kayo, para ipakita sa mga kaibigan n’yo na ikinasal kayo. Para may party, may handaan. Ang importante riyan, ang commitment sa isa’t isa. Na kahit hindi kayo ikasal, basta may commitment kayo, magtatagal kayo. Pero, hindi ko ina-advice ‘yun. So, in short, ayoko na.”
STILL ON Joey Marquez, bihira nang gumawa ng pelikula ang dating Parañaque mayor, pero hindi niya natanggihan ang alok na gawin ang Tiktik: The Aswang Chronicles, ang first Tagalog movie na ang kabuuan ay ginamitan ng CGI (computer-generated imagery).
Ginagampanan ni Joey sa pelikula ang papel ng asawa ni Janice de Belen at ama ni Lovi Poe, with Dingdong Dantes na bida ng pelikula at isa rin sa mga producer.
“Ang kaibahan kasi ng movie na ito, na-curious ako kung paano nila gagawin lahat noong ipinakita nila ang storycon. Sabi ko, ‘Parang mahirap ‘to, a!’
“Kaya noong sinabi nila sa akin na CG, computer graphics, sabi ko, ‘Hindi pa handa ang Pilipinas diyan’. Noong makita ko ang set, sabi ko, ‘Dito ba lahat nangyayari? Hindi na tayo lalabas?’
“Kinulayan lang ng green. Pero ‘yung room, malaking-malaki.”
Nagulat at bumilib daw si Joey nang makita na niya sa screen ang mga eksenang kinuhanan nila sa “green room”.
Inamin ni Joey na noong unang ialok sa kanya ang pelikula ay nagduda siya kung magagawa ito. Pero nawala ang kanyang pangamba nang makita niya ang mga eksenang kinunan nila.
“Palagay ko, ito ang magbubukas, ito ang magiging pinto, sa mga movies na gagawa ng ganito. At sa tingin ko, mas maganda ito sa traditional.
“It’s more expensive than doing it the natural way. Mas mahal ‘to. Kasi, ginagawa nila ‘to per frame. Inabot ito ng mahigit one year,” saad ni Joey.
Ang Tiktik: The Aswang Chronicles ay ipalalabas sa mga sinehan simula sa October 17, mula sa direksiyon ni Erik Matti.
“Ang tingin ko rito, masa-shock ang tao. Magkakaroon tayong mga Filipino ng self-confidence na kaya na nating tumapat.”
Mellow Thoughts
by Mell Navarro