Joey Marquez, pinatunayan ang pagiging aktor

Joey-MarquezHAPPY KAMI sa takbo ng showbiz career ni Joey Marquez. Hindi ito nawawalan ng project sa bakuran ng Kapamilya Network. Kailan lang, nagwagi itong Best Supporting Actor sa pelikulang OTJ sa Star Awards for Movies.

Nang mapanood namin ang teaser ng Maalaala Mo Kaya na tampok sina Joey at Empress, curious kaming mapanood ang magaling na comedian na nagda-drama last Saturday night. Sabi nga ni Julie B, mala- May- December love affair ang takbo ng istorya kaya’t lalo kaming naintrigang panoorin ito. Totoo nga, maganda ang takbo ng istorya at direction ng MMK.

Bagay kay Joey ang role ni Ernesto, isang bus driver na may edad na. Umibig sa kanya si Jhenny (Empress). Kahit marami ang tutol sa kanilang pagmamahalan, nagpatuloy pa rin sila sa kanilang pagmamahalan. Maraming highlight ang nasabing episode ng MMK, na-touch kami sa dramatic scene nina Joey at Empress.

Na-impress kami sa acting performance ni Joey. Hindi lang siya magaling na komedyante, may ibubuga rin pagdating sa drama. Challenge para sa actor/politician ang character na ginagampanan niya sa MMK. Bihira nga naman siyang mabigyan ng ganitong klaseng role sa telebisyon at pelikula. At least, nakita natin ang the other side of Joey Marquez as an actor.

Kung kukunan mo si Joey ng comment  tungkol sa controversial love affair nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Simple lang ang palaging sagot niya, “Kung saan sila maligaya.” Ayaw na nitong makisawsaw sa issue, baka nga naman maintriga pa siya. Oo nga naman.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleBong Revilla Jr. at Lani Mercado, positive ang dalang balita mula Holy Land
Next articleRyzza Mae Dizon, natupad na ang pangarap

No posts to display