MORE THAN two years nang gumagawa ng soap si Joey Paras sa GMA-7 bago ito nag-ober da bakod sa Kapamilya Network. Hindi niya malilimutan ang I Heart You, Pare nina Regine Velasquez at Dingdong Dantes dahil tumatak ito sa manonood.
Nakawalong pelikula na si Joey at karamihan dito puro indie films bago siya napansin. Hindi niya malilimutan ang indie film na ang Last Supper Number 3 dahil ‘yun ang una niyang pelikula na lead siya agad-agad na hindi nag-audition.
“’Yung director ko du’n na si Veronica Valasco na nanonood ng stage play. Nag-start din ako sa theater, kung gaano ako nakitani Direk Wenn (Deramas) ganu’n din ako nakita ni Direk. Nanood siya ng Zsa Zsa Zaturna, gay play. Sabi niya, ako raw ang maging lead star du’n, ‘yun kinuha niya ako,” say ni Joey.
“Ganu’n din ‘yung kay Direk Wenn, eight weeks lang kami magkakilala. Nanood siya ng stage play na Bona ni Eugene Domingo. Ako ‘yung bestfriend ni Uge sa play. Nag-text si Direk kay Uge, papuntahin mo sa birthday party ko ang baklang ‘yan. Du’n na nagsimula ang lahat,” pagbabalik-tanaw ng magaling na komedyante.
Nang gawin ni Joey ang teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan, naging mag-best friend sila ni Iza Calzado. Tawagan nga raw nilang dalawa, Mara-Clara kasi nga palagi silang nagte-taping na dalawa. “Tawag ko kay Iza, Mara, tawag niya sa akin Clara. Films,” wika pa nito.
Katunayan nga, nag-first shooting day shooting na ang pelikulang Bekikang, launching movie ni Joey Paras under Viva Films last June 18 sa may Bulacan. Bilang suporta ni Iza, pumayag itong mag-guest nang walang bayad sa nasabing pelikula.
Ano nga ba ang nakita ni Direk Wenn kay Joey para bigyan ito ng break para magbida agad? “Hindi ko po alam. Sa tingin ko, si Direk Wenn ang makakasagot. Tinatanong ko rin ‘yan sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, ‘Direk, bakit ako?’ Nag-heart to heart talk kami nu’ng last day taping ng KPN. Nagpasalamat ako, sabi niya, ‘Bakit hindi?’ Ang natatandaan ko na sinabi niya, ‘Masyado ka nang hinog. Kapag hindi ko pinitas mabubulok ka.’ Lagi niyang sinasabi, ‘panahon na.’”
Parehong palang galing teatro sina Joey at Direk Wenn kaya madali silang nagkakaintindihan. Nakaka-relate sila sa isa’t isa kaya mabilis, ganu’n kadali ang pagsasama ng dalawa. “Nakita niya ako sa play. Siguro na mi-miss niya ‘yung mundo ng teatro,” turan pa nito.
Changes sa buhay ni Joey na ngayon ay nakikilala na sa larangan ng pagpapatawa? Wala pa po, hindi ko pa nararamdaman. Pero katulong si Direk Wenn sa pagtanggap ng role na ino-offer ngayon sa akin. Tinatanong ko siya, Direk, gagawin ba natin ito? Huwag na, nagbibida ka na. To be honest, hindi ko maintindihan ‘yun. Nu’ng nag-teatro ako, kahit anong role, gagawin ko basta gusto ko ‘yung material. ‘Yang pagka-mainstream na ‘yan, siguro ‘yan ang magtuturo sa akin. Puro indie ang ginagawa ko at theater. Hindi ko alam ‘yung star, hindi ko pino-focus ‘yung pag-level up. Actually, may movie ako na lalabas sa Cinemalaya, ang Babagwa. Support ako du’n dahil maganda ‘yung role na bading naman. ‘Yung mga ganu’n, ‘yun ang gusto kong gawin. Promote uli, kasama ako sa movie ni Dingdong Dantes, ang The Dance of the Steel Bar. Support uli ako du’n, ‘yung mga ganu’ng pelikula sa akin, malaking bagay na ‘yun.” pahayag niya.
Kahit nagbibida na si Joey sa pelikula, willing pa rin ang actor/comedian na tumanggap ng supporting role. Katunayan nga, nag-signed ng three years contract (six pictures) ang magaling na komedyante sa Viva Films. “Ako naman kasi kahit support basta may trabaho, okay lang ako. Happy ako sa Viva dahil kahit bago lang ako, may tiwala agad sila sa akin. Happy ako sa pag-sign sa Viva. Lahat ngayon ng ginagawa ko puros Direk Wenn. Isa na ako Wenn Deramas baby,”sambit ng comedian. Maaga palang nag-stage sa pagiging stage actore ni Joey, twelve years old palang ito uma-akting na. “iba talaga ang train ng teatro.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield