SA KAPAMILYA network nag-start si Joey Paras bago ito nag-ober the bakod sa GMA-7. Una niyang teleserye ang Maging Sino Ka Man (year 2007) with Bea Alonzo. Aside sa pagiging actor/comedian, lead vocalist din siya ng sarili niyang band. Kapag walang raket dito sa ‘Pinas si Joey, nagpe-perform sila abroad.
“May banda ako puro Indonesian, ako lang ang Pinoy, exclusive kami sa Grand Hyatt Hotel, Korea and Benjing, China. Hindi siya pang-showbiz, pang-party lang. Ngayon wala na, nagkahiwalay-hiwalay na kami. Nagtayo rin ako ng sarili kong band, lalaki ako, nagra-rap. Laging ganu’n, ‘yun ang buhay ko. Nami-miss ko ang pagkanta, parte na yata ‘yun ng buhay ko. Sa tinagal-tagal, na-miss ko ang teatro,” intro ni Joey P.
If ever may bagong soap na i-offer uli kay Joey P., willing naman siyang tanggapin ito. “As long as may trabaho, go lang lalo na kapag maganda naman ‘yung role. Sa ngayon, uhaw ako sa magagandang role. Sa maniwala kayo o sa hindi, nu’ng nagti-teatro ako, puro straight roles ang ginagawa ko, walang bading. Unang play na ginawa ko ay Zsa Zsa Zeturna, kasi parang dito yata ako. Pok, sino si Joey Paras? May ganu’n na, dahil may kantahan ‘yun at kumakanta rin ako. Na-realize ko, bakit hindi ko gawing trabaho ang gay role? Ang nangyari nga, dire-diretso, hindi na ako nakabalik sa straight role,” tsika pa nito sa amin.
Peg pala ni Joey P. si Eugene Domingo. “Gusto kong maging biological na lalaking Eugene Domingo. Love na love ko si Uge. Feeling ko, wala ako rito kung wala si Uge. ‘Yung pagmamahal sa akin ni Uge, sobra rin. Hindi lang halata kapag magkasama kami, love ko siya kasi ‘yung pinagdaanan niya. Naha-handle niya ang success, sobrang nabibilib ako. Sobrang humble niya, sobrang giving. Ang sarap kasama, ang sarap katrabaho at napakahusay, sino ba naman ang hindi bibilib sa kanya? At saka, ang daming advice na sa akin ni Uge. May movie kami together, ang Oh, My Mama Mia with Miss Maricel Soriano. Nakakatawa siya, ginagawa niyang totoo,” pagmamalaking sabi ni JP.
Sa mga binitawang salita ng comedian/singer tungkol kay Uge. Sobra-sobra ang bilib niya rito as an actress-comedienne. Paliwanag niya, “Bakit gusto ko si Uge? Kapag pinag-drama, drama siya. Versatile actress siyang talaga. ‘Yung MMK niya, palung-palo, ‘di ba? Basta mahal ko si Uge and to be honest, sinabi ni Direk Wenn Deramas, kung may Ai-Ai Delas Alas ay may Vice-Ganda. Dito na ako nag-melt, kung may Uge, may Joey Paras. Grabe, naluha na ako… Alam mo, ang gusto kong mangyari ‘pag natapos ito, gusto ko uling kumanta.”
Sinang-ayunan naman ni Direk Wenn ang tinuran ni JP. Say nito,“Ganu’n ko siya nakikita. Napanood ko siya sa Bona. After Bona, tinanong ko na agad siya kay Uge. Sabi ko, sino ‘yan? Kasi nga, hindi ko siya kilala. Sabi ni Uge, nasa Last Supper Number 3 ‘yan, hindi ko naman napanood. Nasa GMA rin siya, hindi rin ako nakakapanood. So, kinuha ko sa KPN, bongga agad. Ginawa namin itong Bekikang, na sinsero naming makakaya. Ito lang ang tinignan namin. Wala na akong pakialam sa nagawa ko o nagawa niya, gawa ng iba. Gawa lang namin, ini-enjoy namin na pinagagapang ko sa putik. At saka nakakatuwa, sina Boss Vic (del Rosario), napanood rin niya si Joey sa Bromance. Kaya nu’ng ibenta ko sa kanya, hindi ako nagdalawang-salita, go agad,” kuwento ng magaling na director.
Hindi man aminin ni Direk Wenn, lahat ng mga artistang hinawakan niya, agad-agad ang pagsikat. “Sa palagay ninyo ba kung wala naman akong nakikita, ila-launch ko? Hindi ko naman dyowa, hindi naman. Sabi nga ni Ma’am Charo (Santos), mayroon kang nakikita na hindi namin nakikita and it works! Sabi naman ni Boss Vic, mayroon kang nakikita at naniniwala ako sa nakikita mo. Masarap ‘yung napagkakatiwalaan. It takes two to tango, hindi puwedeng dahil lang sa akin,” aniya.
Teacher rin pala ng acting workshop si Joey P. Pamilya na kung ituring nito ang kanyang mga student. Nakikita na kasi ‘yung sarili nila sa katauhan ni JP. “Sabi ko sa kanila, hindi mo kailangang maging maganda. Hindi mo kailangang maging makinis. Hindi kailangang maging payat. Kailangan mo lang maging talented at mahal ninyo ang trabaho, professional kayo. You go places kahit magtago pa kayo sa kahon, kakatukin nila kayo para lumabas du’n,” sambit pa niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield