Napakadali palang mag-decide ni Johan Santos when it comes to matters of the heart.
Ilang buwan pa lang niyang girlfriend ang isang beauty queen ay nag-propose na kaagad siya rito.
“About two months pa lang kami then engaged na kaagad dahil matagal na kaming magkakilala kasi. Ganon talaga kapag mutual ang feelings ninyo, ‘yung iba ang pakiramdam n’yo sa tao. Ibang-iba talaga siya, eh,” say ng bida ng “KU’TE” na isa sa entries sa Filipino New Cinema section of the 2016 World Premieres Film Festival. Ang premiere night niya ay sa SM North EDSA Cinema on July 1 at ang regular theater showing ay sa September 7.
Actually, nakaplano na pala ang buhay ni Johan Santos.
“May plano kami na by two year’s time (ay magpapakasal kami). Iba kasi ang feeling na kapag nandodoon ka, iba,” say niya.
Miss Global pala ang mapapangasawa ni Johan na plano pang sumali sa isang pageant.
Para paghandaan ang kanilang future ay nagtayo ng bar si Johan sa Caloocan. One month na itong operational.
“Iniisip ko kung ano pa ang ibang business na puwede kong pasukan. Mahirap naman kasi talaga at hindi kapag artista ka ay stable ka na. The last soap na nagawa ko was ‘Flordeliza’. Meron naman akong guesting sa ‘Ipaglaban Mo’. Bumabawi na lang ako talaga sa out-of-town shows, mga kampanya during the last elections. Medyo okay naman kaya awa ng Diyos ay nakaraos din.”
Balitang-balita na ang galing ni Johan sa “KU’TE” bilang bisang bading. The movie is directed by Roni Bertubin.
“Actually, tinanong ko pa siya (Direk Roni) kung sino ang peg ko. Dati kasi ina-advice-an niya ako kung ano ang mga nuances. Sabi niya, ‘wag kang halatang magpakabading na bading. Parang labas agad kasi ang pagkabading mo.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas