JOHN APACIBLE, WALANG PREMONITION NA MAMAMATAY

MATAGAL NA NAMING kaibigan si John Apacible. Kaya nagulantang kami sa balita pagkagising kahapon, March 20, na pumanaw na siya at 3 am, kahapon din. Binaril siya ng sariling uncle habang nag-iinuman sa bahay ng nasabing tiyuhin sa Cainta, Rizal.

Kuwento ng veteran fashion designer na si Gener Gozum na tubong-Taytay at close family friend ni John, “Si Alma Concepcion pa ang tumawag sa akin early morning, at nagulat nga ako. So, tinawagan ko ang kapatid ni John, si Edwin, sabi ko, ‘Ano’ng nangyari kay John?!’

“Tuliro pa yata si Edwin, hindi makapaniwala, at nasa state of shock pa. Ang sabi na lang, ‘Wala na! Wala na ang kapatid ko! Maghahanap na po kami ng chapel para iburol siya’, kaya di na ako nagtanong pa ng details.”

Wala naman daw okasyon ng gabing ‘yun, basta nagkainuman ang magpipinsan sa bahay ng tiyuhin. Hanggang sa nakausap din ni Gener si Malou Rustia, pinsan ni John, at ayon sa kuwento nito sa designer, “Pinapauwi na raw ng tiyuhin sina John, dahil nga lasing na. Eh, si John, makulit ‘pag nalalasing.

“Parang nabatukan ‘ata ‘yung tiyuhin nang hindi naman sinasadya daw. Sabi daw ng tiyuhin, ‘Di kita papatulan. Parang nasipa pa ni John ang pintuan. E baka nagalit, at nagkataong may baril at lasing na rin? Ewan ko, ha, ‘yun ang kuwento sa akin ni Malou, ‘yung pinsan.”

Nakakalungkot ang mga pangyayari. Nang dahil lamang sa inuman, nauwi sa trahedya ang eksena. Pero siguro naman, kung may tama na ng alcohol, nakakapangilabot na ang mismong uncle ang kikitil ng buhay ng sariling pamangkin?

NGAYONG NAHIMASMASAN NA ang uncle ni John, ano kaya ang mararamdaman niya?

Given the fact na makulit si John, o nanggugulo na, dapat bang idaan sa dahas ang gabing ‘yun?

John is a sweet person, tulad ng pagkaka-kilala namin sa kanya nang ilang taon na, mula pa noong mid-1990s, na lagi namin siyang nasusulat sa fan magazines like Chika Chika, Intrigue magazines with his former manager Ces Evangelista (mentor namin in showbiz), Hot Copy, at Starnews magazines ng GASI Publications.

Huli naming nakita si John a couple of months ago, naglambing pa itong i-post pa raw namin sa Facebook ang old sexy pics and pos-ters niya sa magazines, na sa kabisihan ay hindi namin nagawa. May “utang” tuloy kami kay John, at nilisan na niya tayo.

Paumanhin, John, dahil hindi namin nagawa ang iyong hiling habang nandito ka pa at kapi-ling namin.

Proud kasi siya sa kanyang sexy pictorials noon at hindi niya ikinahihiya ‘yun. Pinagpantasyahan rin siya ng girls and gays alike. Naka-ilang movies rin siya, at kasama rin now sa Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN ni Coco Martin, playing a military role.

Patuloy ni Gener: “Fit nga siya ngayon, short cut ang buhok niya. Last March 18 lang ng tanghali, dumaan siya sa akin, naglambing ng pagkain na budbod (famous rice toppings sa Rizal area) at binigyan ko naman. May pera ‘yan, pero ganoon siya maglambing.”

Ni walang premonition si John sa kanyang mga kaibigan na iiwan na pala niya tayo.

Last year (2010) ay nakatatlong pelikula pa siya, Two Funerals, Mamarazzi, at Shake Rattle and Roll. First movie niya noong 1996 ay ang Nights of Serafina ni Joey Gosiengfiao with Angelika dela Cruz, kasabayan ni Tyrone Suarez (na namatay na rin sa cancer) at Hector Gomez, mga bini-build up dati ni Direk Joey.

Kabilang sa sexy-drama films na nagawa ni John ay ang Phone Sex with Ara Mina, Shame with Ina Raymundo, Pamasak Butas, etc.

Ipagdasal natin ang kaluluwa ni John. May you have a wonderful journey with our Creator! Magpahinga ka na, mahal kong kaibigan.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleJUDY ANN SANTOS, MAGPAPAPAYAT MUNA BAGO MAGBALIK-PELIKULA!
Next articleJAMES BLANCO, WALANG GAY BENEFACTOR!

No posts to display