BLIND ITEM: NAKAKATAWA ‘tong eksenang ito. Isang aktres ang pinagkulumpunan nu’ng PMPC Star Awards for Movies night ng mga TV crew para interbyuhin.
Nagpaunlak naman ang aktres. Ang tanong sa kanya, “Ano’ng fee-ling mo at nominated ka? Good luck, ha?”
Sagot niya, “Well, natutuwa naman ako, dahil nakasama nga ako. I’m very flattered dahil napansin din ang kakayahan ko!”
Eh, du’n sa nag-iinterbyung crew, may bumulong. “Uy, hindi naman nominated ‘yan, ba’t ‘yon ang tanong mo?”
‘Yung bulungan na ‘yon ay narinig ng aktres.
Biglang kambyo ito ng, “Actually, kahit nga ako, nagtataka kumba’t ‘yun ang tanong eh, hindi naman ako nominated. But I’m here because they invited me to attend the awards night!”
Sa loob-loob ng TV crew, “Juice ko, nakakatawa naman talaga ‘tong lola ko. Sana, nu’ng una pa lang, napansin na niya at kinorek na niya, ‘di ba?”
Noon pa naman karakter sa buhay ang aktres na ito, eh. Pero mabait siya at very friendly sa mga reporter, kaya siguro mabilis niyang sinagot na rin na parang nominated siya para hindi naman mapahiya ang TV crew.
(Kami naman ngayon ang lumulusot, hahahaha!)
‘Eto na ang clue: “Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.” Ng ano?
IN FAIRNESS KAY Bianca Manalo, nakikinig naman siya nu’ng pinapa-ngaralan namin siya na ‘wag namang sumimangot ‘pag tinutukso siya kay John Prats sa Happy, Yipee, Yehey!
“Mama Ogs, hindi po ako nakasimangot no’n! Nakatawa naman ako no’n, eh!”
“Eh, kung nakatawa ka no’n, ano pa itsura mo ‘pag nakasimangot ka?” Natawa si Bianca.
In-explain namin kay Bianca na parang napapahiya naman si John ‘pag ngumingiwi siya on cam. Parang walang karapatan si John na ibigin ng isang matangkad na babae.
“Eh, Mama Ogs, wala naman talaga, eh. Napapagod na kasi ako. Ayoko nang pinagbibintangang third party sa hiwalayan!”
Pero pangako ni Bianca, “Next time talaga, super smile na ‘ko, promise!”
BLIND ITEM ULI: may nagtanong sa aming isang “kafatid” kung retokado raw ba ang ilong ng isang sumisikat na guwapong young actor?
“Parang sobrang tangos. Samantalang ‘yung isang brother niya, ang ilong, hindi gano’n katangos!”
Juice ko, ang babaw ng batayan, huh! Meron naman talagang magkapatid na magkaiba ang ilong, eh. Malay naman natin kung ang young actor lang ang biniyayaan ng matangos na ilong at hindi ang kapatid nito?
Noon pa ay narinig na naming “nagpatangos” nga raw ang young actor. Eh, kung totoo man, eh ano naman ngayon? Granting na totoo, eh ‘di bongga ang pagkakagawa. Bagay naman sa kanya.
Hindi lang namin alam kung “nagparetoke” rin siya ng “hotdog,” huh!
TINANONG KAMI NI John Estrada kung “Okay lang ba kung inaaraw-araw ka ng tira? ‘Yung puro negative na lang ang ginagawa sa ‘yo?”
Simple lang ang katuwiran namin diyan, sabi namin kay John, “Gano’n talaga ‘pag hitik sa bunga, ‘yun ang pinupukol. Hindi mo naman babatuhin ang punong ni sanga yata, wala.”
“So, ano, mare, okay lang ba ‘yon na tinitira ka nang tinitira kahit wala kang ginagawang masama?”
“Okay lang ‘yon. Ipagpasa-Diyos mo na lang. At lagi mong iisipin na kung napapaligaya mo ang ibang tao habang tinitira ka, okay lang ‘yon. Ang importante, hindi sa p’wet!”
Oh My G!
by Ogie Diaz