John Estrada, matapang na hinaharap ang pagkamatay ng ama

ISANG NAGPIPIGIL sa emosyon na John Estrada ang nakausap namin sa burol ng kanyang ama na si Vicente Estrada sa Heritage Memorial Park.

Ayon sa aktor, sakit sa puso ang ikinamatay ng ama, kung saan 13 years ago ay nagkaroon ito ng triple bypass operation pero matagumpay naman nitong nalagpasan. Pero dalawa’t kalahating taon ang nakalipas, na-stroke ito kung saan na-paralyze ang kalahati nitong katawan, natali na ito sa wheelchair.

Tatlong buwan ang nakalipas, inatake na naman ang butihing ama, kung saan tinapat na sila ng doktor na kailangan na silang maghanda dahil 15% na lang ng puso nito ang gumagana. At ngayon nga, sumakabilang-buhay ito.

Hindi ito pinaalam nina John sa ama. Pero bawat araw, mabigat na dinadala ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang ina, kung saan nasaksihan ng bawat isa sa kanila kung paano nagmahalan ang mga magulang.

IKinuwento nga ni John na nu’ng ine-embalsamo ang ama, nagsalita ang kanyang ina na pakiramdam nito, namatay ang kalahati ng kanyang katawan.

Inilarawan ni John ang ama bilang isang mabu-ting ama, mas mabuting asawa pero pinakamabu-ting kaibigan. Suportado siya nito sa lahat ng desisyon na kanyang ginawa, kung saan tuwang-tuwa ito sa magagandang nagawa niya sa showbizness kabilang na ang magandang role sa A Beautiful Life.

Ililibing si Mr. Vicente bukas sa Manila Memorial Park sa Parañaque. Masakit, pero matapang na hinaharap ni John ang pagkawala na ito ng kanyang mahal sa buhay, kung saan buo ang suporta na ibi-nibigay sa kanya ng asawang si Priscilla Meirelles.

MALAPIT SA puso ni Judy Ann ang show na Master Chef sa simula pa lang, dahil may pitak talaga sa puso niya ang pagluluto.

Pagkatapos maging matagumpay ang nakaraang Junior Master Chef Pinoy Edition, ngayon ay mapapanood ang Master Chef Pinoy Edition sa darating na November 12. Kung dati, mga bata ang naging kalahok, ngayon, mga non-professional na wala talagang background sa formal training ang mga sumali kung kaya’t naging mahigpit talaga ang pagpili sa mga ito.

‘Di lang puno ng mga challenge kung paano makapaghahain ng masasarap na mga pagkain, pero dito ay mabubuksan din ang ilan sa mga pinagdaraanan at mga emsoyonal na sitwasyong kinasusuungan ng mga kalahok.

Kasama pa rin ni Judai ang tatlong chef at panelist na kasama niya sa Junior Mastre Chef na sina nila Chef Fern Aracama, Chef Rolando Laudico at Chef JP Anglo.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleBarbie Forteza, nagmaldita sa mga taga-media
Next articleAljur Abrenica, nakiusap na tigilan na Kylie Padilla, hina-harass ng Al-Kris fans

No posts to display