Walang question sa pagiging mahusay na aktor ni John Estrada. Kahit na ang panghapong teleserye niya na “Walang Iwanan” sa ABS-CBN 2 ay nagmarka pa rin ang kanyang kahusayan sa pag-arte.
Kaya lang mukhang hindi yata masyadong napo-promote ng network ang said teleserye.
Sayang kasi kung kulang sa promotion dahil nga sa panghapon ito.
Sana rin lang ay maging parehas sila dahil nga parehong produkto naman nila ang mga serye.
Kung sino pa ‘yung magagaling umarte ay siya pa itong napag-iiwanan.
Maganda ang “Walang Iwanan” sana lang ay alagaan.
Kasama ni Papa John ang limang bataNG aktor at sina Jhong Hilario at Roxanne Guinoo.
Sana sa susunod na serye ni Papa John ay sa primetime na siya.
O, ‘di ba?
Michael V., natitirang orig sa longest running gag show ng Siyete
LONGEST RUNNING gag show na Bubble Gang. Bakit? Aba, 20 years na sila! At still counting. Pero natatanging si Michael V. na lang ang nakabuo.
Maraming fans ang gag show kaya naman hindi pa rin ito mapataob ng mga kalaban.
Marami na ang dumating, pero hindi nakarating.
Kaya suwerte ang mga bagong artistang nakapasok dito.
Last Friday nga ay nagkaroon ng documentary special ang “Bubble Gang” sa Gateway Cinema at isinabay rin ang coffeetable book singing.
Dumating ang former mainstay ng gag show na sina Ara Mina, Maureen Larazabal, at Sherylyn Reyes.
Naloka lang kami kay Diego dahil nga gusto na raw niyang ma-nominate sa Star Awards bilang best comedy actor.
Hahaha! Congrats…
Sabrina, paboritong acoustic artist sa Asian countries
KUNG HINDI kami nagkakamali, pang-apat na ng Acoustic Sweetheart na si Sabrina ang award niyang natanggap sa katatapos na 7th Star Awards For Music para sa ‘I Love Acoustic 7’.
Tinanghal siya ngayon bilang best female acoustic artist. Kaya naman masuwerte pa rin siya dahil nga hindi mailap ang tropeo sa kanya.
Under MCA Music si Sabrina at kung hindi man natin siya nakikitang nagpe-perform dito sa Pinas, madalas siyang ma-invite sa Korea, Malaysia, Singapore, at iba pang mga bansa.
Yes, sikat na sikat nga siya sa Asian countries dahil nga madalas na nasa Top Chart ang kanyang album.
At sa true lang, si Sabrina lang yata sa mga recording artist natin ang hindi lumiliban na magkaroon ng album every year.
Abangan ang latest album niya na masasabing ibang-ibang sa lahat ng 8 albums niya na natapos.
‘Yun na! Goodluck…
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!