EXCITED SI JOHN Estrada makatrabaho si Kristine Hermosa sa bagong soap ng ABS-CBN na Maruja with Derek Ramsay and Karylle. “Well, medyo naiiba ito sa mga nagawa ko na because Michael here is a good person, to the point na wala siyang pakialam kung mamahalin siya ni Kristine o hindi. As long as masaya siya, masaya na rin ako.”
How do you spent your free time? “Isa akong tatay, kapag wala akong shooting or taping, binibigyan ko ng panahon ang mga anak ko.
Lumalabas kami, kumakain sa labas para ‘yung bonding namin sa isa’t isa hindi nawawala. Napakaimportante ‘yung communication mo sa mga anak mo. Kailangang ibigay mo ‘yung responsibility as a father.
May mga business din ako with non-showbiz friends na pinagkakaabalahan, kaya busy rin ako kahit walang project. Happy nga ako dahil hindi ako nawawalan ng project. May movie pa ako with Sharon Cuneta and Ai Ai delas Alas kaya blessings talaga,” masayang wika ni John.
Kamusta naman ang relasyon ninyo ni Priscilla Mereilles, na nabalitang muntik nang mauwi sa hiwalayan? “Okey naman kami ni Priscilla. Sa relationship naman, may ups and downs. Ofcourse, I’m not saying, perfect ‘yung relationship namin pero hindi kami umaabot doon sa hiwalayan talaga. I mean, there are somethings, true pero okey kami ngayon, happy kami sa takbo ng relasyon namin!”
Bulung-bulungan ang nalalapit n’yong kasal? “Sa lahat naman ng relationship ko in the past, kapag nagka-girlfriend ako ofcourse kasama ‘yun, ayaw kong tumandang mag-isa. Siyempre, gusto nating may kasama sa pagtanda. Ang hirap yata nang nag-iisa.”
Hindi ba mahirap makipagrelasyon sa isang Brazilian? “Actually, ‘yun nga, hindi ko naman kailangang i-correct ‘yun, but it’s not true.
Brazilians are really down to earth people. Their culture is the same culture as ours. Ang number one religion nila roon, Catholic din.
Ganoon din it’s the same. Palagi kong sinasabi na I think Priscilla is more Filipina than other Filipinas I’ve met.”
Maganda ba naman ‘yung relationship ni Priscilla sa mga anak ni John? “Sobra, matagal na. She’s been seeing my kids more than a year.
They always go out for dinner. Close siya sa mga anak ko at sa tingin ko wala akong nakikitang problema.”
Kailan naman sila mauuwi sa kasalan? “Hindi ko talaga masasabi ‘yan, unang-una galing na kasi ako d’yan. I guess, it should be well-planned. I think, you know, hindi minamadali ‘yung mga ganoong bagay.”
Nag-apply na ng resident visa si Priscilla? “Yes, she’s trying. Kung sakali, dito muna kami. Masarap ‘yung pakiramdam na ‘yung girlfriend mo, nag-effort na makasama ka rito. Ganoon naman ang Pinoy. I think puwede siyang maging full pledge Filipina, resident, yeah.”
Living-in na nga ba sina John at Priscilla? “No, she’s has his own place. Sabi ko nga, hindi naman kami high school na. Pumapasyal ako sa place niya, ganoon din siya.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield