BLIND ITEM: NALOKAH kami sa kuwento ng isang source sa amin. Up to now, hindi namin mapaniwalaan, dahil ini-imagine nga namin, parang wala naman sa hitsura nitong gagawa no’n.
“Nako, mare, maniwala ka. Nu’ng nag-tour sila out of the country, laging excited ang lola mo to join the stars, kasi nga, bakasyon, at the same time, isang kanta lang, tapos na, raket nang maliwanag ‘yon.
“Pero hindi ‘yon ang highlight, eh,” patuloy pa ng aming source. “Juice ko, ‘Day, ‘Katok Queen’ ang lola mo sa mga kuwarto ng guys!
“Juice ko, ‘eto na. ‘Yung isang lalaking parang di-makabasag-pinggan, inaliw-aliw niya. Eh, siyempre, tao lang si boy, kaya ayun, pinagbigyan niya.
“Pero ang nakakalokah, hindi sa hotel room. Alam mo kung saan? Juice ko, ‘Day, thrill seeker yata ang mga potah na ang gusto nila eh, habang magse-sex sila eh, tipong mahuhuli sila, gano’n.
“’Day, sa fire exit sila nag-tsugihan, hahahaha! At ang nakakalokah, performance level ang girl. Noon pa pala niya target ang boy na makatsugihan.
“Natsa-challenge nga ‘tong girl, dahil ‘tong boy eh, kilalang maka-Diyos, saka me girlfriend na artista rin. Eh, ito namang bida natin, wala namang pakialam kung me sabit pa ‘yung lalake.
“Basta ‘pag feel niya, kailangang ma-tikman niya, by hook or by crook. Ilan na rin ang biniyayaaan niya ng ganda niya, pero dito lang ako sa isa nalokah!
“Talagang super na-enjoy niya, dahil ang laki kaya ng kargada ng aktor, ‘no!”
‘Yun na. Hindi na kami magbibigay ng clue. Basta ikaw na ang “mayaman” sa lalake. Ayaw ng _____ Laboratories ng ganyan!
BINABATI NGA PALA namin ang Eat… Bulaga! sa kanilang 32nd anniversary! Sila ang longest running noontime show. Wow! Ang dami nang pinagdaanan, ang dami nang tumapat, pero hindi pa rin magiba-giba.
Kahit anong show na nga ang itapat dito, parang kasama na talaga sa pananghalian ang Eat… Bulaga!, eh.
Pero siyempre, sa kahit na anong larangan, hindi nakaka-challenge ‘yung nag-iisa ka lang, wala kang kalaban, wala kang katapat. Inspirasyon at motivation ang magkaroon ng katapat, eh.
Hindi naman din nag-iilusyon ang Happy, Yipee, Yehey! na mapataob nila ang Eat… Bulaga!. Pader na ‘yan, eh. Matibay na pader.
Pero ang kahit ang Eat… Bulaga!, inspirasyon din ng Happy, Yipee, Yehey! para lalo pa nilang pag-igihin ang kanilang trabaho at hosting appeal.
Alam naming me kaberdehan, pero natutunan na ring mahalin ng madlang pipol si Rico Puno. ‘Wag lang talagang lalampas sa guhit, magtatagal ang mama sa show, lalo na’t ang saya-saya rin naman nila.
Ang kainaman kina John Estrada, Randy Santiago at Rico Puno, wala silang ilusyong kabugin ang Tito, Vic & Joey.
“Gusto lang naming magpasaya ng mga Kapamilya, masaya na kami. Pader na ‘yang tatlong ‘yan, nasa pedestal na ‘yan, tanggapin na natin ‘yon,” sey nga ni John.
“Basta ‘pag sawa na lang sila sa puwesto nila, eh, ‘andito lang kami. Hahaha!”
LUMANG ARGUMENTO PA rin ang ipinupukol sa amin ni DJ Mo Twister. Mga kathang-isip niya ang mga isyu na bukod siya lang ang makakapagpaliwanag kung pa’no nangyari ‘yon.
Nakakaawa nga ang taong ito. Walang gabay ng magulang at yakap mula sa anak, kaya kung anu-ano nang iniimbento niyang kuwento na kasiraan namin.
Panay ‘yun ang argumento niya, kasi, wala ngang naniniwala sa kanya. Ang hirap din talaga ‘pag wala ka nang credibility. Akala siguro ni Mo eh, reporter lang ang dapat na magkaroon ng credibility at ang tulad niyang personalidad ay okay lang na maging “scientist”.
Nakuha nga niyang i-kiss and tell ang syota niyang si Rhian Ramos at palabasing nagli-live in sila bago siya isplitan, ‘di ba?
Ano’ng klaseng lalake ‘yon na inisplitan lang, ibinulgar na ang “happy moments” nila together ng girl?
Kunsabagay, nagwi-wish nga siyang mamatay na ang nanay ko, eh. Shocking pa ba ‘yung “pambabastos” niya sa privacy nila ng girlfriend niya?
Wala ngang respeto sa babae. In short, kulang nga sa atensiyon ng isang ina at anak.
Mabuti na lang at sa 23 years namin sa showbiz at kilala kami ng mga tao sa industriyang ito. Ayan tuloy, ‘yung mga inimbento niya, hindi successful.
Maliit lang ang industriyang ito. Pareho rin tayong kilala ng mga nasasakupan natin. Kailangang mo lang talagang i-maintain ang credibility mo.
Sabi nga sa isang kapaniwalaan, “’Di bale nang mukha kang wolf, basta ‘wag ka lang the boy who cried wolf!”
Oh My G!
by Ogie Diaz