Tribute sa mga beking nagtratabaho para sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay ang pelikula ng Viva Films na “Working Beks” na obra ni Direk Chris Martinez.
Alam kasi niya ang buhay ng mga beking kaibigan niya na nagtatrabaho para sa mga mahal nila sa buhay.
Knowing ang mga kapatid natin na mga bakla, they work hard for the money para makatulong sa mga pamilya nila at huwag na ring kalimutam ang mga boyfie nila at sa mga mahal sa buhay ng boyfie nila. Kung baga, ang mahal ng mga beki ay pati extended families na rin ng mga pamilya nila.
Isang composite ng iba’t ibang beki ang kabuunan ng pelikula ni Direk Chris.
Si TJ Trinidad na isang advertising boss, si Edgar Allan (EA) Guzman na isang matinee idol na may sex video, si Joey Paras who owns a karinderya na supposed to be ay ikakasal na pero nang masipat si EA, na-in love at gusto nang mag-back-out sa kanyang kasal, si Prince Stefan who works a call center agent na ang kinikita ay ipinanggi-gimik lang, at si John Lapuz who works for his 20 plus family kasama na ang extended families niya na todo-kayod ang bakla sa trabaho na sa kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya ay nakalimutan na niya ang sarili at ang kanyang buhay pag-ibig.
“Parang true to life. Wala na akong love life. Pero ako naman, hindi naman ganun karami ang tinutulungan kong pamilya. Mga 10 lang siguro,” sabi ni John sa amin.
Ang mga bading, mga martyr ang mga ‘yan, basta para sa family nila. Kahit zero ang lovelife, okey lang sa kanila. As long na maging masaya ang mga mahal nila sa buhay,”sabi ni Direk Chris.
Sa Wednesday, nakatakdang patawanin ni Direk ang mga manonood ,na kahit comedy ang genre ng pelikula nila ay may aral ito. Lalo na sa mga homophobic na hindi naiintinduihan ang mundo ng nga bakla.
“Kaya nga ang mga beki, love sila ng mga mudra nila at ng pamilya nila dahil sila ang inaasahan,” sabi ng magaling na direktor sa amin.
John’s Point
by John Fontanilla