May bagong tawag kay John “Sweet” Lapus. Call him the “Queer Mother”.
“‘Yan, gusto ko ‘yan. Sige, tawagin n’yo na lang akong Queer Mother,” masayang tsika niya sa amin sa presscon ng pelikulang mga beki ang karakter ng mga bida, ang “Working Beks” ng Viva Films sa direksyon ni Chris Martinez.
Ngayon, halos sunud-sunod ang mga pelikula na bida o umiikot ang kuwento sa mga beki (bading, gay, bayot, agi, bakla, etc.) kamakailan tulad ng “The Third Party” nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros, at Dennis Trillo, at ang ipalalabas pa lang na sana ay makapasok sa MMFF 2016 na “Die Beautiful” na bida si Paolo Ballesteros na nagbigay sa kanya ng acting award as Tokyo International Film Festival bilang Best Actor. Ratsada ang “pink films” sa last stretch ng taong ito.
Yes, si Queer Mother (John) ay isa sa mga bida sa pelikula tungkol sa buhay ng mga beki na nagtatrabaho sa kanya-kanyang mga kadahilanan.
Si Queer Mother, he works hard para sa kanyang mga mahal sa buhay (kapatid, pamangkin, etc.).
“Halos 20 yata ang binubuhay ko sa pelikulang ito. ‘Yan ang peg ko. Si EA (Guzman), beking ayaw magladlad na may sex video. Si Prince (Stefan) naman, ang role niya isang call center agent na kinakabahan na baka may Aida (AIDS) siya. Si Joey Paras, siya ‘yong bakla na ikakasal na, na nang ma-meet si EA, biglang nanumbalik ang kabaklaan. Si TJ, advertising agency boss na tago rin ang kabaklaan,” kuwento ng komedyante sa amin.
Oks na raw sa kanya na siya ang maging nanay-nanayan (or Queer Mother) ng mga nakababatang bekis.
“At least, maga-guide ang mga mga little sister ko. Naloloka nga ako, kapag may mga batang beks, tawag sa akin, nanay or mother. Ano pa nga ba ang gagawin ko, kundi ang magpaka-nanay na lang,” sabi ni John.
Sa November 23 ang nationwide showing ng pelikula.
“Aliw ito to the max. Hahagalpak ka ng tawa,” panigurado ni Queer Mother.
Reyted K
By RK VillaCorta