MAS MATINDI ngayon ang pakuwelang hatid ng Moron 5.2 Transformation nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, DJ Durano at ang bagong adisyon sa moron pack, si Matteo Guidicelli, na gaganap bilang Michael Angelo na unang ginampanan ni Matt Escudero sa original Moron 5 movie. Kasama rin sa cast si John Lapus bilang si Beck Pamintuan na abot hanggang langit ang galit sa kanila. Ito’y sa direksiyon ng box- office director Wenn Deramas under Viva Films, showing on November 5.
Ikinuwento ni John L, na kaabang-abang kung paano nakatakas si Crying Lady. Mahaba-mahabang eksena ‘yun na kagigiliwan ng manonood. Tatawa tayo dahil isa ‘yun sa highlight ng pelikula. “Ano ‘yung ginawa ni Becky para makatakas? Mas malala ang pinaggagawa niya rito. Maraming pasabog… Dito sa part 2, may mga asawat anak na ang Moron 5. Nakakatawa ‘yung mga eksena, malala ang pinaggagawa ko rito.”
Puro mamahaling outfit ang ginamit ni John para lalong tumingkad ang character na pino-portray. Kung pinag-usapan ang mga damit na ginamit ni Sweet sa part 1, mas matindi raw ang outfit na isinuot niya rito sa part 2. “Kasi nga si Becky outfitera. Sa part 1, sariling damit ko ‘yun. That time, katatapos lang ng show ko sa Music Museum, daming kong bagong gown na ginamit namin. Hindi puwedeng ulitin kasi malalaman ng mga tao. In fairness sa Viva Films, binigyan nila ako ng stylist ngayon. Todo pasabog din ang outfit ni Becky Pamintuan dito. I’m sure makare-relate ang mga girls,” tsika ng comedian.
Sabi nga ni John, super na-challenge siya sa pagiging Becky Pamintuan sa pelikula. Maganda ang review sa kanya ng mga kritiko at bloggers sa Moron 5. ‘Yung iba sinasabi kay Sweet na siya lang daw ang gusto nilang panonoorin du’n. “Nakaka-flattered pero nakaka-pressure. Dapat dito sa part 2 mas mahusay kami rito, maganda at mas nakakatawa. Thanks God, nai-deliver ko naman siya and I hope magustuhan ng mga critic ‘yung performance.”
Inamin ni Sweet na ‘yung kabaliwan ni Becky ay nangyayari sa kanya. ‘Yung pag-iiba-iba niya ng looks. Mahilig pala siyang mag-i-spy ng mga tao lalo na ‘yung mga taong he finds it interesting na gusto nitong maging kaibigan. “Eventually nagiging kaibigan ko rin sila. Inaamin ko, igu-Google kita, i-check ko ang Facebook mo. Now a days, parang ang hirap mamili ng tunay na kaibigan lalo na sa social media. Madali mong malalaman ang background ng mga tao. Kung minsan nga kasama mo na sa bahay, magnanakaw, kriminal pala. Hindi masamang mamili ng kaibigan,” paliwanag ng John.
Sa mga guys na matipuhan ni Sweet, agad ba niya itong itini-take home? “I don’t go out with strangers. Those were the days na naka-sex mo hindi mo kilala. May time na may lalapit sa akin sa bar, magse-sex kami, those were the days. Bukod sa nagka-edad na ako, bumaba na rin ang libido ko. Walang akong ka-relationship sa ngayon. Last ko, 12 years ago, kota na. Hindi naman sa pagmamayabang, may mga nagpaparinig, nagpaparamdam. Hindi lang daw sex ang habol nila sa akin, gusto nila relasyon. Pinaprangka ko naman, sex lang ang habol ko sa ‘yo. I’m not closing my door. ‘Yung mga ex-boyfriend ko, puro straight naman sila. Alam ko darating ‘yung time na ipagpapalit rin ako sa babae, mag-aasawa. ‘Yung una at ‘yung last kong karelasyon, pareho nang may asawa. Naging ninong ako ng kanilang mga anak. Ang buhay ng mga bakla pang ‘Maalaala Mo Kaya’,” pahayag ng TV host/comedian.
Kailan kaya muling mabubuksan ang puso ni Sweet sa pag-ibig? “Mapi-feel mo naman siguro ‘yun. ‘Yung tatlo kong naging dyowa, basically friends partner lang. Hindi ko naman sinadyang ma-in love sa kanila. One day, isang araw magkarelasyon na pala kami. Siya na lang pala ‘yung ka-sex ko. Too late na nang malaman mong in love ka na pala. Kapag puso na ang umandar, didiktahan niya ang isip, wala ka nang magagawa,” tugon ni John sa tanong namin.
Kapag in love pala si John, hindi siya nagpapakita sa kanyang mga kaibigan. Gusto niya laging kasama ang dyowa. “Kapag hindi ko sila kasama, tawag ako nang tawag. Medyo stressful din at the end. Pina-yak ko lang ‘yung puso ko, walang nagawa ang utak ko. May sex life naman ako, mayroon naman akong mga kaibigan. Kaibigan na lang, ayaw ko na ng stranger, tapos na ako du’n.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield