IBAYONG KATATAWANAN ang handog ng Viva Films and MVP Pictures na Moron 5 and the Crying Lady sa direksiyon ni Wenn Deramas. Pinagbibidahan nina DJ Durano, Luis Manzano, Billy Crowford, Marvin Agustin, Martin Escudero at John Lapus.
“Istorya ito ng limang bata na sila lang ang nagkakaintindihan. Kasi nga, sila ‘yung hindi nabiyayaan ng utak so, doon pa lang, malalaman natin kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay. Nagdamay pa sila ng kabobohan kung bakit sila nahuli at kinulong sa kulungan. At kung paano sila makakalabas, sasagutin ‘yan ng pelikula on Black Saturday, April 7,” say ni Direk Wenn.
Sabi pa ng comedic genius Wenn, gusto niyang patawanin nang matindi ang manonood. “Series of jokes ito, maya’t maya, kung puwede segu-segundo na may istorya. Gusto ko lang maka-witness sa loob ng sinehan na tawa lang nang tawa, tapos nag-aalisan kasi, masakit na ang tiyan nila sa katatawa, ganu’n.”
Masuwerte si Sweet John at binigyan siya ng break ng Viva Films kahit naudlot ang pangako sa kanya ni Mother Lily na bibigyan siya ng solo movie. Pumirma ng 2 pictures, exclusive contract ang TV host/comedian kay Vic del Rosario. “Jackpot po ako dito kaya sa sobrang ganda ng role ko, puwede na akong mamatay bukas. ‘Yung sa Regal, hindi ko alam, ewan ko kay Mother. Sinabi ni Mother, ‘di ba? Sino ba ang tatanggi sa offer ni Boss Vic? In fairness naman kay Mother, nauna ‘yung Super Inday and the Golden Bibe. If ever naman, papayagan ako ng Viva na gumawa ng mga pelikula sa Regal. Sa May, may movie ako sa Regal, suporta lang ako kay Pokwang, Ruffa Gutierrez at kay Gabby (Concepcion). Abangan na lang ninyo ‘yung second movie na gagawan ko sa Viva. So hopefully, baka maging matagumpay ito nang bongga, baka doon na. Ibigay na sa akin ni Direk Wenn at ng Viva ‘yung talagang isa lang ‘yung title na hindi na ako ‘yung pangalawa, ako na ang nasa title role,” matalinghagang sabi ni John.
Anong nangyari between Direk Wenn at Star Cinema kung bakit hindi natuloy ang pagsasanib puwersa ng Viva at Star Cinema sa bago niyang pelikula? “Gusto ko itong isipin na ‘yung ganoong klaseng problema ay problema po ng iba. Siguro dahil pareho lang akong taga-Star (Cinema) at Viva, kaya nai-involve ako. Pero kung tutuusin, sila ang dapat sumagot ng mga katanungang ‘yun. Kung mayroon man akong panghihinayang kasi, aminin na natin ang tulong na puwedeng maitulong ng Star Cinema sa kahit anong proyekto. Hindi tayo puwedeng magmalaki na hindi natin sila kailangan, kaila-ngan po. Kung mayroon man siguro akong sentimyento, panghihinayang lang. Experimental ito sa akin katulad nang i–launch si Vice (Ganda) sa Petrang Kabayo. Mahal ko ang Star, d’yan ako nagsimula. Sa mga tsisimis na hindi ako pipirma. Kapag nand’yan ‘yung papel at may ballpen ako, pipirma ako. Pero ‘yung tungkol naman sa issue na ‘yan, ang dapat sumagot, ang Viva at ang Star. Pero alam ko, walang kinalaman ang pelikula. Walang kinalaman ang director du’n sa nangyaring ‘yun,” paliwanag ni Direk Wenn.
Nilinaw din ni Direk Wenn ‘yung issue na pag-lipat niya sa Kapatid network. “Lagi kong sinasabi kasi, July pa ‘yung expiration ng contract. Wala akong sinasabi na lilipat na ako at wala akong sinasabi na hindi ako lilipat kasi, baka hindi matuloy. ‘Pag sinabi ko namang hindi ako lilipat tapos makikita ninyo ang pangalan ko sa ibang istasyon. Sabi ko nga lagi, I’ll just cross the bridge when there is bridge but I will not burn bridges, ‘di ba?”
Nagkataon namang present si Vincent del Rosario nang mga sandaling ‘yun at agad nitong sinagot ang pagba-back-out ng Star Cinema sa kanilang pelikula. “‘Yung exercise na parang evaluate ang isa’t isang project ganu’n, hindi nagkaroon ng resolution. In any business, dapat ganito ang gawin. Hindi lang nagkasundo, iba’t ibang weak points pero natuloy naman, we’re co-producing with Star. I think, we have Sarah (Geronimo) and John Lloyd (Cruz). Nakapanghihinayang kasi, masaya sana, we we’re together, pero ito’ng pangyayari, hindi nagkita sa gitna. Ganu’n talaga, hindi laging nagkakaayos. Ang Viva kasi, nakataya kay Direk Wenn. Kung saan man kami dalhin ni Direk Wenn, du’n kami,” pahayag niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield