KUNG ANG MAY-ARI ng insurance company ang tatanungin, willing naman pala itong bayaran in full ang total wreck ni John Lapus na covered nito. Ang hindi lang daw nagustuhan ng may-ari ay ang banta ni John na ipami-media nito ang kompanya para obligahing bayaran ang halagang aabot nang close to a million pesos.
“Bakit tinatakot niya kami?”Ang nasambit na lang daw ng may-ari, na amenable naman sa gustong mangyari ni John except that there’s a process that involves – thorough investigation leading to the accident.
Ayon kasi sa kuwento ni John, pauwi na raw siya sa kanyang bahay sa isang subdivision, hindi ko tiyak what time of the day it was. Una raw bumangga ang unahan ng kotse, then it swang to the opposite direction at nadale naman daw ang parteng likuran. Sa paglalarawan ng hitsura ng sasakyan, wasak daw ito at imposibleng hindi magagalusan man lang ang siyang nasa manibela.
John, however, sustained not even a slightest injury. At ito ngayon ang subject ng imbestigasyon ng naturang insurance company bago maglabas ng ganu’ng halaga. Ang gusto lang i-establish nito ay kung si John nga ba ang nagmamaneho ng sasakyan at the time of the accident.
Pangalawa, bakit two weeks after pa nag-file ng report si John sa himpilan ng pulisya? Given the yawning gap between the date of the incident and the filing of the police report, makaliligtas ba ‘yon kay John, na kung hindi man siya ang nagbalita mismo sa Showbiz Central, ay ipami-media niya?
Naku, parang hindi ko naman kilala si John when it comes to his insatiable thirst for publicity! Para namang nakalimutan ko ‘yung banta niya this year lang na may dalawang reporter siyang idedemanda ng libel, na bagama’t hindi niya pinangalanan, obvious namang isa ako du’n?
At ang height, lumabas ang interbyung ‘yon nu’ng ipino-promote niya ang kanyang show! Ang ending, hindi na raw niya itutuloy ang demanda, pero nai-press release na niya!
‘Kalurky… parang Ilog Pasig na murky!
O.A. NAMAN KUNG magbigay ng importansiya ang ABS-CBN sa kanilang mga contract star!
Just recently, may solo presscon si Angel Locsin sa Dolphy Theatre ng Channel 2 to tell all and sundry kung gaano namamayagpag nang bonggang-bongga ang Only You, now on its 11th week (hangang 15 weeks lang ito as strictly stipulated in the station’s contract with the Korean producer).
Less than a week later, solo naman ni Sam Milby ang presscon: both events had raffle draws for the press courtesy of the stars, huh! Tuloy, ang hinihintay ng press ay ang solo rin ni Diether Ocampo. Pero huwag muna natin muna siyang biglain dahil he was diagnosed to have arythmia (isang uri ng cardiac disorder), ‘no!
Anyway, as Sam wraps up his work in Only You soon, sunud-sunod ang mga naka-line up na proyekto para sa kanya, all this because he possesses an unwavering passion for work.
by Ronnie Carrasco