NAKATUTUWA NAMAN SI Konsehala Alma Moreno. Napaka-thoughtful. Pag-uwi namin sa house, aba, merong isang kahong pula na ang laman ay apples.
Anyway, kahit ano pa ‘yon, basta naalala kami, eh, maligaya na kami at hindi na kami choosy.
Ang medyo nakapukaw lang ng atensiyon namin ay ‘yong greeting card na ang pangalan ng nagpadala ay si Konsehala Alma Moreno-Salic.
So, hindi true na wala na si Alma at ang dyowa niyang isang kapatid na Muslim.
TAMA ANG NAGING desisyon ni Bayani Agbayani. Eh, kung wala na nga namang project para sa kanya ang ABS-CBN, eh, ‘di maghanap ng ibang network na magtitiwala sa kanyang talento.
May pamilyang binubuhay si Bayani. Kung tatanghod lang siya sa paghihintay kung may nag-aabang na sitcom sa kanila ni Aga Muhlach ay makapaghihintay pa naman siya siguro.
Kaso, parang wala. Eh, nandiyan naman ang ibang istasyon na gusto siyang kunin, eh, ‘di… go! Basta sinabihan namin si Bayani na don’t bite the hands that fed him.
In fairness, sa ABS-CBN naman siya nakilala, nagkapangalan, kumita, kaya ang sey ng komedyante, “Oo naman. Ganu’n naman tayo, eh. Malaki pa rin ang utang na loob ko sa Channel 2, dahil malaki ang nagawa nila sa buhay ko at sa pamilya ko.
“Kahit naman si Tita Angge, malaki rin ang utang na loob ko d’yan. Nagkaintindihan kami na lilipat muna ‘ko ng Channel 7. Masyado lang identified si Tita A sa ABS-CBN, kaya kumuha ako ng manager na taga-Channel 7, si Noel Ferrer.”
So, good luck, Yani, at mas pressure sa ‘yo ngayon ‘yan. Dapat, mas mag-exert ka ng super mega effort ngayong sobrang tiwala sa ‘yo ang Channel 7.
TAMA RIN ANG naging attitude ni John Lloyd Cruz na imbes na mainis porke hindi siya, kundi si Joross Gamboa ang wagi bilang Best Actor in a Single Performance ay natuwa pa siya’t ang ka-level na niya ngayon ay ang malalaking artista.
Para sa amin, walang dapat patunayan si John Lloyd. Versatile siya. Kaya niyang umarteng parang bata. Magpa-cute. Magpaka-seryoso, magpatawa. ‘Yan ‘yung sinasabi naming sa hirap ng buhay nu’ng araw na pinagdaanan ni John Lloyd ay nakaaarte siya nang tama, may lalim at may pinaghuhugutang “pain” sa buhay.
At kung kami ang naging judge, siyempre, panalo si John Lloyd over Joross. Eh, ang kaso nga, hindi kami member ng PMPC para ipaglaban ang lolo n’yo. Hehehe.
ANG TARAY NG It’s Showtime! dahil kelan lang nag-umpisa, tumutuntong na sa 20% ang kanilang ratings, huh! Habang ang katapat nitong Sis ay humahamig lang sa ratings ng 6, 7, 8%.
S’wak na s’wak kasi ang ingredients ng It’s Showtime. “Sariwa” sa telebisyon ang dating ni Vhong Navarro at Anne Curtis. Si Kuya Kim naman, bagets na rin ang dating at isama pa si Jugs at si Teddy.
At siyempre, iaangat na namin ang bangko ng aming talent na si Vice Ganda na talaga namang kaabang-abang palagi ang kanyang comment sa bawat grupong nagpe-perform.
Sana, ma-sustain ang format ng programang ito na talaga namang kinaiinsekyuran na.
Nakatutuwa nga si Joey de Leon, puring-puri niya ang show, lalo na si Vice Ganda.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz