SA INTERVIEW ni Karen Davila kamakailan lang kay John Lloyd Cruz ay inamin ng aktor na hindi pa talaga siya handang maging ama nung isinilang ng ex-partner niyang si Ellen Adarna ang anak nilang si Elias Modesto.
“Hindi… hindi! Akala mo ready ka because you wanted it, well, I don’t. We like to believe na we’re in control. We like the idea na, ‘it’s my plan.’ Plinano ko ’yan.
“It took me a while para matanggap na, akala mo ginusto mo, akala mo plinano especially ngayon after ng tatlong taon, iba, eh, hindi, eh. And it won’t be as humbling. Talaga plinano mo? Paano mo na-plano ’yung ganung bagay?
“Kasi that’s beyond words describing how to be a father and specially noong lumabas siya. There’s no way na merong tao na na-plano yung ganun. Ganun ka-weird at ganun ka-radical na bagay. That’s a life. Buhay yung lumabas because of your responsibility,” mahabang paliwanag ni John Lloyd.
Pero hindi raw naman siya natakot sa responsibilidad ng pagiging ama.
Ani John Lloyd, “Hindi, I didn’t get scared at all. I was schared to admit na parang, ‘Uy, medyo it’s a little bit too much. Not what I expected.’ Pero ganun yata yon, e. I think that’s the whole essence of it.”
Dagdag pa ng aktor, kakaibang experience daw ang maging isang ama.
“Probably the most fascinating thing in my life right now. What I’m learning from him. What I’m learning about him. Galing, eh,” sabi pa ng aktor.
Paano ba niya balak palakihin si Elias?
Tugon niya, “Alam n’yo, as a father, ako, ang gusto ko lang, I guess I want to lead without imposing. Dito lang ako on the side.
“I’m not gonna dictate on you. If anything, yon ang gusto kong ma-hone niya. I want him to think for himself. Gusto ko lang malaman niya…
“Kasi, napansin ko na parang tumatanda na ‘ko. Nagiging cynical na tayo. Parang we tend to forget yung mga early days natin sa earth, na you we’re such a blessing, somehow it paved the way.”
“Somehow, gusto ko lang na makita niya na napakaganda niya at yung timing niya sa buhay ko, napakaganda,” dagdag pa ni John Lloyd.