NAKARATING NA NGA sa marami ang chikang nag-gay bar sa New York sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Lumalabas na bahagi ito ng social investigation at character study (o sadyang curious din?) ng dalawa because they play gay lovers in the Star Cinema production of In My Life na ang isa pang pangunahing bida ay si Vilma Santos.
Nagpunta raw sina Lloydie at Luis sa Eastern Bloc at The Cock bars sa New York. Ang chika sa amin, parang si Lloydie pa raw ang nag-enjoy nang husto dahil umiinom ito. Surprisingly, si Luis daw ay nag-behave. Ayaw mag-drink.
We have a feeling na nagpapa-good shot si Luis dahil kasama niya sa New York ang mommy niya, ‘di ba? Hindi lang daw nakahindi si Luis dahil game na sumama si Lloydie sa pagyayaya ng ilang staffers ng Star Cinema.
Very confident sa sexuality niya si Lloydie at wala raw problema rito ang mga nakakalokang real-life characters ng New York. Ganoon din naman daw si Luis.
Hindi lang namin alam kung sumama ba si Ate Vi sa pagge-gaybar ng anak. Baka hindi na, kasi, baka rin mailang sina Lloydie at Luis. Ganoon? Kunsintidora sa kabadingan? Kiyeme lang! Pero, wala naman daw problema. Nag-enjoy raw ang lahat.
NATUTUWA KAMI DAHIL despite Atty. Joji Alonso’s health condition, she still went to our party sa Music 21 Plaza Timog, nang mag-birthday kami. She’s looking very well. Hindi nga lang daw puwedeng magtagal pa siya. In fairness, maaga naman siyang nagpunta at hinintay lang niya ang anak na si Nico Antonio, na nagpakita pa ng gilas sa pag-awit.
Tapos na raw ang post-production para sa Parangal, ang iprinodyus niyang pelikula na tinatampukan nina Ricky Davao at Julio Diaz, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian. Napag-alaman namin sa mga kuwento ni Atty. Joji na may pera naman pala talaga sa pagtu-tour ng mga pelikulang naisasali sa mga festival abroad.
Kailangan nga lang tumutok ang mga producer dito. Dapat din daw na malaman nila ang ins and outs dahil sa ilang beses na napasali sa international filmfests abroad ang Kubrador na naiprodyus niya. Nasabi ni Atty. Joji sa amin na hindi na niya alam kung saan napunta ang ilang perang dapat sana’y para talaga sa producer.
May alloted budget naman pala para sa accomodations, pero kung minsan, ‘yung naibibigay na pera ay napupunta sa gastusin sa pag-attend na rin ng ilang artista na gustong isama ng producer na bahagi rin ng pelikula. Lalo na kung sa Europe pa ang festival, napakamahal daw ng hotel accomodations in Euro siyempre ang halaga.
Palagay namin, ang magagandang developments pa rin sa local indie cinema ang nagpapalakas ng loob kay Atty. Joji para patuloy na mag-produce. Hindi lang para sa sarili niyang produksiyon, kung hindi ang nagagawa ng iba, gaya ng Serbis ni Direk Dante Mendoza na talagang kinilala rin kahit paano sa Cannes.
This year, sa darating na Cannes Film Festival, tatlong full-length Filipino films ang kasali, at may dalawa pang short films. Palagay namin, ang local indies talaga ang nagbibigay ng gintong ani sa local films ngayon, and since the late Lino Brocka, ito ang bihirang pagkakataon for Filipino filmmakers para makapasok nang bonggang-bongga sa prestihiyosong Cannes.
Calm Ever
Archie de Calma