HINDI NA talaga maabot sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz hindi lang dahil sa ibang bansa sila nagte-taping ng kanilang bagong teleserye ngayon, kundi dahil na-feature sila sa Austrian newscast.
Currently taping their teleserye, A Beautiful Affair, in Vienna, Austria, napanood namin ang feature sa dalawa sa internet. Ipinakita ang dalawa habang nagte-taping. In one scene ay tumatakbo sila dahil hinahabol sila ng isang grupo ng mga foreigners. Nainterbyu sina Bea at John Lloyd at maging ang isang production staff ng Dos, si Katrina Flores.
“Vienna is really beautiful,” sabi ni Katrina. ‘Yung iba pa niyang sinabi ay hindi na namin maintindihan dahil translated na ito sa wika ng mga Austrian.
Ipinakita rin sina Bea at Papa Lloydie while entertaining some Pinoy fans. Marami rin kasing Pinoy sa Austria na nagtatrabaho roon.
BEFORE SHE left pala for the US ay muntik na palang manakaw ang cellphone ni Ruffa Gutierrez.
“Someone just stole my phone at the salon I frequent in Rockwell!! In Whoever took my phone makarma ka sana!,” tweet ni Ruffa recently.
Actually, Ruffa was thinking of reporting the matter to the police, ang kaso ay nakita ng kanyang yaya ang kanyang nawawalang cellphone.
“In a matter of minutes my phone disappeared! I swear I was 3 minutes from calling the police! We searched & guess what?? My yaya found it!”
Ruffa made kuwento on Twitter kung saan nakita ang kanyang nawawalang mobile phone.
“My phone was switched off & carefully tucked inside the tissue dispenser! Sneaky! Sorry sa nagbalak nakawin ang phone ko! Nabawi ko! GRRRR!!”
NASA NUMBER one spot ng FHM’s Sexiest si Sam Pinto when we interviewed her during the press launch of Boy Pick-up: The Movie at sinabi niyang naglalaban-laban ang mga fans sa pagboto.
“Grabe now! Like it’s… everybody’s… lahat ng mga nasa Top 10 basically, lahat nag-aaway na ang mga fans nila. Lumalabas sa lahat, sa mga fan page, nambabastos,” sabi ng dalaga.
Of course, Sam was not spared and she was called names. Pero ang pinakagrabe, according to her, was when a fan called her tuod.
“Mukha raw akong tuod. Hindi raw ako sexy, ganyan-ganyan,” sabi ng dalaga.
Even when she’s being bashed, never pumatol si Sam.
“There are just times na sobrang nakakaasar, na ang sarap lang mag-reply, pero huwag na lang.”
Role ni Neneng B ang ginagampanan ni Sam sa pelikula and she’s okay lang na hindi siya ang leading lady ni Ogie Alcasid kundi si Solenn Heussaff.
DUSA ANG inabot nina Eugene Domingo at Direk Joyce Bernal while shooting Kimmy Dora & The Temple of Kyeme.
Sa bundok sa Korea sila nag-shoot for ten days at sobrang lamig doon kaya naman muntik na nilang hindi kinaya ang snow.
“May portable heater kami para sa paa, sa mukha, sa camera,” sabi ni Eugene. “Napakahirap talaga. Ang nagpalakas talaga sa akin ay pananalig. ‘Yung tatahimik na lang kaming lahat at kakapit sa isa’t isa para sabihin na ‘bumiyahe tayo, ‘eto na ‘yon. Commitment ito, let’s do this. Magdasal tayo, makakaraos tayo. Lahat ng sequences magagawa. ‘Wag ka nang umarte nang hindi dapat iarte. ‘San ka magbibihis? Diyan na lang sa tabi-tabi. We have to finish this, lahat ito ay day effect lang.”
Ang camera nga nilang high-tech ay bumigay at hindi umubra sa sobrang lamig. Of course, Eugene was asked kung paano niya ‘hinalay’ si Zanjoe Marudo na leading man niya.
“Ang dami kong ipinapaliwanag dito tungkol sa camera tapos napunta sa halay,” Eugene joked.
Continuing, she said, “Alam n’yo ang suwerte-suwerte ko talaga rito kasi si Zanjoe, bigay na bigay. Meron talagang sumigaw si Direk Joyce ng “tama na” pero nakalimot talaga ako, eh.”
“Ang mas maganda roon merong nagre-react sa likod,” sabat ni Zanjoe.
“Sabi noong nanonood sa playback “ang bait talaga ni Zanjoe”. Hinanap ko nga ‘yon, eh,” tili naman ni Eugene
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas