NAPAKA-SPECIAL ANG mu-ling pagtatambal nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa pelikulang The Mistress sa direksiyon ni Olivia Lamasan. Ito’y 10th anniversary nila bilang loveteam kaya’t espesyal ang inihandog ng Star Cinema para sa manonood.
“Nagugulat ako bilang magkatrabaho kami ni Bea. Para sa akin, this is one big celebration para sa aming first ten years in the business. Ito, to give significant du’n sa aming ten years, lalo na du’n sa mga sumuporta sa akin,” sabi ni John Lloyd.
Sinabi ng aktor ang ilang pagbabago ngayon kay Bea. “’Yung proseso bilang actor, ibang-iba na. Parang ngayon, hypersensitive. Ang bilis niyang makaapekto. Kung paano siya umatake ng eksena, ibang-iba na, not like before. Ang ganda lang, last project namin, Miss You Like Crazy, sa pelikula parang ang dami naming i-o-offer sa pelikula sa isa’t isa.”
Nagsalita rin si Bea tungkol kay John Lloyd. Marami ring pagbabago sa binata. “Lagi namang may bago kay John Lloyd. Isa siya sa pinakamagaling na aktor sa aming henerasyon.”
Inamin nina Bea at Lloydie na nagkaroon rin sila ng atraksiyon sa isa’t isa. Hindi raw kasi pumasok sa isipan nilang makipagrelasyon.
“Walang ganu’n, hindi umabot na may ganyan-ganyanan. Hindi umabot sa ligawan,” sabi ni Bea. “Ako, I can only speak for myself. Sa loob ng sampung taon na ‘yun. Parang napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong at one point na hindi ko siya nagustuhan.”
“Hindi ko lang pinursue, it didn’t happen. Marami kasing factor. I really want to protect the tandem. Pero sa akin puwede kong sabihin ‘yun. Alam naman natin, when love chooses you, wala kang magagawa but to surrender,” paliwanag naman ni Lloydie.
Hindi ipinagkaila ni Bea marami siyang natutunan pagdating sa love. “Love is all about choices and love is a choice. Kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng utak para magdesisyon kung ano ‘yung tama. Hindi ‘yung kung ano ‘yung bugso ng damdamin natin na madalas ‘yun ang nagpapahamak sa atin.”
Nagbigay rin ng sariling opinion si Lloydie tungkol sa pagiging mistress ng isang babae. “Ang hirap ng aking dinaanan as JD. Talagang naka-relate ako because very instrumental ‘yung aking relationship. ‘Yung character ni JD, napakalalim ng pinaghuhugutan. Ang daming gustong patunayan. Ang daming gustong talikuran. Siguro pagdating sa pag-ibig, ang gusto kong sundan ‘yung sinabi ni Ate Vanessa (scriptwriter) about freedom. Kailangan bang gumawa tayo nang maganda dahil gusto lang natin? Isa ‘yun sa biggest learning na natutunan nu’ng character ko at naka-relate ako,” paliwanag ng aktor.
Sabi nga ni Direk Olive, “She becomes more open, si Bea. Mas maganda ang bukas ng mukha niya, mas masaya. Maraming natutunan si Bea nang gawin niya ang nasabing pelikula sa personal niyang pag-ibig ngayon.”
Pagdating sa sexy scenes nina Bea at Lloydie, gaano nga ba ka-daring ang kanilang eksena sa pelikula? “So far, sa mga nagawa na namin, ito na ‘yung pinakamatapang na ginawa ko or ginawa namin ni John Lloyd. Wala akong regrets na ginawa ko ito. Kasi, ito na ‘yung perfect project para gawin ko. The moment na tinanggap ko itong project, alam ko na mangyayari,” tsika ni Bea.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield