Sa shooting ng pelikulang “Just The 3 Of Us” sa Clark Field sa Angeles City, Pampanga, na-interview namin sina John Lloyd Cruz, Jennylyn Mercado, at Direk Cathy Garcia. ‘Yung first scene nina CJ (Jen) at Uno (Lloydie) sa isang convenient store na sumuka si Jen na nasa teaser ng pelikula, sa mismong scene lang nagkita at nag-meet ang dalawa.
Itiinago pala sina John Lloyd Cruz at Jen ni Direk Cathy Garcia Molina para hindi magkita. Ang actress sa likod ng camera na may mga tao at ang actor nasa dressing room. Lumabas lang si Lloydie for rehearsal before the take. Ang eksenang kukunan, nakatalikod si JLC, biglang magsasalubong ang dalawa at susuka si Jen nakatalikod. ‘Yun ang first scene na nagkita ang dalawa.
Sa dami ng pelikulang nagawa nina John Lloyd at Direk Cathy, nandu’n pa rin ang thrill of excitement ng actor na makatrabaho ang box-office director.
“It’s always a joy working with Direk Cathy Garcia. ‘Yung joy na ‘yun, naging triple pa, dahil this time around I use to worked with Jennylyn Mercado,” say ni JLC.
Sinabi ni John Lloyd, minsan napagkuwentuhan nila ni Piolo Pascual si Jennylyn Mercado. Hindi nga lang idinatalye ng actor kung ano ang kanilang napag-usapan. Sa pagkakaalam namin, may movie pang gagawin si Jennylyn sa Star Cinema at si PJ yata ang kanyang magiging leadingman.
“Si Jennylyn is a very exciting figure in films. Sa panahon ngayon, napakasuwerte ko dahil sa pagtapak niya sa bakuran natin, ako agad ang nakasama niya. Napakapalad ko, sana suwertehin kaming tatlo (with Direk Cathy) sa aming pagsasama-sama,” masayang turan ng magaling na actor.
May kakaibang style sa pagdi-direk si Cathy Garcia-Molina compared sa ibang director. Mas gusto niyang natural at makatotohanan ang bawat eksena. Hindi ‘yung ina-acting lang ng artista. Kung itinago man ni Direk Cathy sina Jen at Lloydie before the take, gusto nitong maging natural ang acting ng dalawa.
Paliwanag ni Direk Cathy, “Kasi ‘yun ang scene, parang two strangers met. Nu’n lang sila nagkita, hindi maalala ni Uno (JLC) kung sino itong babaeng ito. Gusto kong makuha ‘yung totoong reaction ni Lloydie na surprised siya. In fact, biniyak ko, hindi ko ibinigay kay JLC ‘yung dialogue ni CJ (Jen). Sabi ko lang, anong gagawin mo kapag may lumapit sa ‘yong isang babae, claiming that you’re the father of her baby? Pagka-cut ko, saka ko pa lang sila pinakilala sa isa’t isa, wala lang.”
If ever, sa totoong buhay, may lumapit na babae kay Lloydie at sabihin sa kanya na ‘anak mo ang pinagbubuntis ko’, how do you react? “Over lunch pinag-uusapan namin ‘yan kaharap ko ang director ko. I was talking to my director and photographer, si Noel Teehankee. Halos magkaedad kami. Sabi ko sa kanya, okay na akong magkaanak. If she presented to me ‘yung sitwasyon ngayon, siguro kung gaya ng tanong ninyo na may kumatok sa akin. Kung sakaling mangyayari ‘yun, okay na akong magkaanak. Not necessary magkaasawa’t magkaanak. Kung may lalapit at sasabihing akin ‘yun, kahit imposible sa tingin ko, sa pananaw ko… Sa tingin ko kasi parang wala naman talaga, pero kung mangyari man, kaya kong tanggapin. Kaya lang biglang nagbago ang isip ko. Yeah, I’m ready, kung anak lang ang pag-uusapan, I think, I’m ready,” pahayag ni JLC.
Sa kaso naman ni Jennylyn kahit single parent, nakaka-inspire siya dahil lalong gumanda ang takbo ng kanyang career. Blessing para sa kanya ang anak niya kay Patrick Garcia. Halos lahat ng sikat na actor sa showbiz ay nakatambal na niya. “Siyempre masarap ang pakiramdam, na-experience ko kung papaano sila magtrabaho. Dati pinapanood ko lang sila, ‘yung mga pelikula ni Direk Cathy. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya at ang suwerte-suwerte ko, binigyan ng chance na makatrabaho ko sila,” tugon ni Jen.
Teka, may tsismis na may naunang movie project si Jennylyn bago itong movie nila ni John Lloyd. Nilinaw ng actress ang issue na ito. “Nag-usap naman ng maayos, hindi muna, sa susunod na lang. Nagkasundo naman, hindi ko naman tinanggihan.”
Sinabi na ni Jennylyn ang buong pangyayari. Nang malaman niya through Becky Aguilar (Jen’s manager) na may gagawin siyang movie project sa Star Cinema at si John Lloyd ang makakatrabaho niya, na-excite siya.
“Sabi ko, sige, sige gumawa tayo ng time para sa kanila. Kasi nu’ng time na ‘yun, nagte-taping pa ako ng isang soap. Medyo masikip pa ‘yung schedule ko. Kahit anong mangyari, gagawan ko siya ng time talaga para magawa ‘yung proyekto.”
Maging si JLC ay excited dahil sa panahon daw ngayon, hindi imposibleng makatrabaho ang isang artista kahit nasa ibang network. Kasi napakaliit lang daw ng industriya natin kaya mas maganda ‘yung ganyan na nakakatrabaho mo sila.
Sabi pa ni Lloydie, “Lalo ngayon, ang bilis ng panahon so kung may opportunity, may magandang material at mag- materialize, ‘di ba? Naalala ko dati nu’ng si Iza Calzado nasa kabila pa, gustong-gusto ko siyang makatrabaho, alam kong hindi mangyayari, imposible talaga, pero ngayon madali na.”
Matagal nang pangarap ni Jennylyn na makatrabaho si John Lloyd Cruz. “Sino ba naman ang hindi mai-excite kay John Lloyd? Napakagaling na actor, ang pogi-pogi, tignan ninyo. I’m sure, hindi lang ako pati mga ibang actress gusto siyang makatrabaho.”
Ayon kay Direk Cathy, project ng Star Cinema ang “Just The 3 Of Us”. Ibingay sa kanya para i-direk sina JLC at Jennylyn Mercado. “Ang tanong lang sa akin, mayroon bang chemistry sina John Lloyd at Jennylyn? Na-excite ako kasi wala akong kaalam-alam kay Jen. Nag-apologize nga ako sa kanya kasi kasagsagan ng mga trabaho ko, lahat ng mga pelikula niyang pinalabas, wala akong napanood. Ang tanging alam ko lang, galing siya ng Siyete, ‘yun ang alam ko. So, natuwa ako, someone fresh, si Lloydie hindi na ka-fresh-an sa akin. Pang-siyam na yata namin, if ever ‘yung next. Kumbaga, hindi ako nagsasawa sa kanya. Hindi ko sinasabing luma na siya, ‘yung relasyon namin, medyo luma na. Ang exciting, ‘yung may ilalagay kang bago na never pa naming nakatatrabaho. Pareho kami ng level of excitement ni Lloydie.”
Medyo may pagka-baliw ‘yung character ni CJ (Jennylyn) rito, ako ang may kasalanan. Nilabas ko lang ang kabaliwan niya. Si Jen tahimik, kung hindi mo kakausapin, hindi magsasalita. Si Lloydie, ganu’n din naman. Si Jen, baliw, ‘yung bang walang pakialam. ‘Yun lang talaga ang character niya, corky ‘yung character niya. Ang hirap kasing hanapin, sa bawat artista na nakakatrabaho ko, ang lagi naming hinahanap, how she will be different in other films? Especially ako, medyo nalinya po tayo sa romcom, ayaw ko namang mai-compare si Jennylyn sa mga naging leading ladies ni John Lloyd. Sana walang makita na parang si ganito lang ‘yun, so for her own sake and for the movie’s sake, we will try hard na hanapin sa kanya. I hope we found it,” sabi pa ng box-office director Cathy Garcia-Molina.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield