Ano’ng nangyari at nagbago ang playdate ng pelikulang “Just The 3 of Us” ng Star Cinema na dapat sa darating ng Wednesday (April 27) ang showing ng pelikula?
Pangalawang pagkakataon na ito na nag-decide ang Star Cinema na may pagbabago sa playdate ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Unang target playdate ng pelikula ay noong Black Saturday na makatatapat naman ng “Batman Vs. Superman”.
Sa kuwentong nakarating sa amin, ‘di pa raw tapos ang pelikula kaya hindi naihabol ang Black Saturday playdate.
Sa pagkakataong ito, dapat sana sa darating na Wednesday, April 27, ang showing ng pelikula na kami man ay excited nang mapanood sa unang pagkakataon ang tambalang Lloydie at Jen na sa trailer pa lang, solb na kami sa aliw at kilig sa dalawa.
I remember ‘yong kuwento ni Direk Cathay sa amin nang dumalaw kami sa set ng shooting nila sa may Korea Town sa Angeles City, Pampanga na makasasabay ng “Just The 3 of Us” and pelikulang “Captain America”.
Nakakakaba nga naman, pero sabi ko kay Direk Cathy, magkaiba ang market audience ng dalawang pelikula.
Ang mga John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado fans, manonood at manonood talaga sila ng pelikula ng dalawa kahit harangan man ng sibat (este, ng batya ni Captain America) kahit magsabay man ito ng playdate.
Tulad ko na aminado na faney ni Lloydie at ngayon ay ni Jen (na nagustuhan ko siya sa “English Only, Please” with Derek Ramsay na sinundan ng “Pre-Nup” nila ni Sam Milby, at ang sa kanila ni Jericho Rosales), mas uunahin kong ‘di hamak ang “Just The 3 of Us” kaysa sa pelikula ni CA na ayaw kong makipasiksikan na tulad ng Batman Vs. Superman na halos kinartel nila ang lahat ng sinehan na ang ending, sa dami ng mga sinehang nilabasan, sa 2nd week ng showing ng pelikula, wala nang mapanood na iba ang mga moviegoers na ang kinahinatna,n talo ang mga sinehan dahil nasagad nila agad-agad ang moviegoers na tuloy, tumamlay ng naging kita ng mga theater owner.
Sa May 4 na ang playdate ng “Just The 3 of Us” nina Lloydie at Jen na makababangga naman ang “This Time” na kilig movie nina James Reid at Nadine Lustre.
Reyted K
By RK VillaCorta