KUNG NATAPOS NA ang mga espekulasyon tungkol sa break-up nina Shaina Magdayao at John Prats ay hindi naman matapus-tapos ang mga usap-usapan na may namumuong tensiyon sa pagitan nina Prats at John Lloyd Cruz na isa sa mga itinuturong dahilan ng hiwalayan kahit sa kabila ng mariing paglilinaw ng magkabilang kampo. ‘Ika nga, it’s a battle between two Johns – matira ang matibay.
Ayon sa isang lumabas na artikulo dito sa Pinoy Parazzi, sa nakaraang 8th Gawad Tanglaw na ginanap sa Jose Rizal University ay nag-iwasan daw sina Prats at Lloydie kahit ilang silya lang ang layo nila sa isa’t isa. Hindi diumano nagbatian ang dalawa.
Nakatanggap si Lloydie ng Best Actor award mula sa Gawad Tanglaw para sa pelikulang In My Life while Prats, Zanjoe Marudo, Jason Gainza and Pooh received the trophy for Best Comedy Show for their gag show Banana Split.
Nakaupo sa front row si Lloydie kasama sina Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos at Luis Manzano na bumubuo sa cast ng In My Life, samantalang si Prats ay kasama sina Zanjoe, Jason at Pooh na nasa kabilang side naman at malayo kina Lloydie. Kasabay raw umalis ni Lloydie sina Gov. Vi at Luis after receiving their awards while Prats and his group stayed para tanggapin naman ang kanilang award.
Gaya ng inaasahan ay idinenay ni Prats ang tsismis na sila ay nag-iwasan ni Lloydie during the awards ceremony. Wala raw dahilan para hindi sila magpansinang dalawa. Pero naging matipid pa rin ang kanyang mga pahayag tungkol sa kanilang naging pagkikita. When asked if they greeted each other, Prats answered “Of course”. At nang tanungin siya kung nag-usap silang dalawa ay tanging “Oo naman” lang ang kanyang sagot.
Hanggang sa ngayon ay isa pa ring malaking palaisipan sa publiko ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Shaina at Prats because they opted to remain silent about the issue. Was there really a third party involved? At dahil dito ay wala tayong mapanghahawakang malakas na ebidensiya na totoong may iwasan at ilangan na nangyari sa pagitan nina Lloydie at Prats.
Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga taong kasangkot sa isyu pero sa palagay ko ay mas pinili nilang manahimik na lang para hindi na lumaki kung anuman ang problema. Kung may gusot man ay sana maayos na ito. Sabi nga ay nadadaan ang lahat sa maganda at mabuting usapan. Hindi ba mas masarap ngumiti at matulog sa gabi kung wala kang kaaway?
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda