OO, WALA na si John Lloyd Cruz sa Bridges na love triangle teleserye sana nila nina Maja Salvador at Jericho Rosales. Pinalitan na siya rito ni Xian Lim.
Sabi lang sa amin ni Lloydie nu’ng nagteteyping kami ng Home Sweetie Home, kung saan linggo-linggo kaming nagge-guest ay ayaw muna niyang gumawa ng serye. Mas gusto niyang gumawa nang gumawa ng pelikula.
Saka at this point, kuntento na muna siya sa Home Sweetie Home, lalo na ngayon na ang taas-taas ng ratings mula nu’ng magpalit na siya ng trabaho mula med rep hanggang siya’y maging administrative officer ng Soo Placement Agency sa Home Sweetie Home.
‘Pag kausap mo si John Lloyd, sobrang “matanda” kung mag-isip. Talagang nag-mature nang bongga ang aktor na incidentally ay napakahusay naman po talaga sa The Trial na showing pa rin hanggang ngayon.
Kaya sa mga umaasang gagawa ng isang teleserye si Lloydie? Konti pang waiting period, ha? Malay n’yo, hanap-hanapin na ito ng katawan niya ‘pag na-miss niya nang bongga.
DINUKOT KO lang ang picture na ‘yan. Gusto ko kasing papurihan ang pamilya na yan sa napakahusay na performance na ipinamalas nila sa “The Trial.”
Nu’ng napanood ko ‘to, hindi si John Lloyd Cruz ang nakita at naramdaman ko, kundi si Ronald o si Ronron na ang sabi’y “kulang-kulang”. Napakahusay! Walang eksaherasyon ang akting.
Ang gumanap na amang stand-up comedian at bumibihis-babaeng si Vincent De Jesus, kahit nakakalimutan kong siya pala ang tatay ni Lloydie – dahil me mga eksenang kinulang siya o nahiya lang siyang ibigay ang “haplos ng ama” kay Ronron lalo na’t tanggap at hindi naman pala siya ikinahiya ng anak eversince at very close pa nga sila – ay nagsilbing tagabuhos ng malamig na tubig ‘pag may mga eksenang may “tensiyon”.
Si Sylvia Sanchez naman, umpisa pa lang ng pelikula at hanggang sa ending ay parang gusto kong maniwalang tomboy siya nu’ng araw, dahil ang husay, lalo na nu’ng para siyang barakong halos kaladkarin si Ronron para iharap ang anak kina Gretchen Barretto at Richard Gomez (ang husay rin ni Goma rito!) Naku, napanganga ako. Bravo! Hindi na ako masa-shock kung mag-grandslam best supporting actor… este actress, si Ibyang next year.
‘Pag hindi kasi mahusay ang performance ng isang artista, me mga dayalog kang, “Mas bagay sa role na ‘yan si _______. Mas mabibigyan niya ‘yan ng justice.” Pero sa portrayal ni Ibyang bilang tomboy na nanay ni JLC? Wala akong maisip na iba kasi nga, ang husay ng potah! Matigas ang kaloobann pero lumalabas ang pagka-nanay ‘pag anak na ang sangkot.
Sila ang pamilyang gusto mong maging kapit-bahay, dahil mga totoong tao.
At dahil mahuhusay silang umarteng tatlo, feeling ko, sisikat sila balang-araw.
Hula ko lang naman ‘yon, p’wede rin naman akong magkamali.
Oh My G!
by Ogie Diaz